NOONG Martes ng gabi ay nag-post si Ms. Vivian Velez sa kanyang Facebookaccount habang nasa taping ng Tubig at Langis sa Bustos, Bulacan.
“I’ve been in the industry for such a long time, worked with the biggest star and I can say that I’ve come full circle. UGH. I have never encountered such a prima donna #asalqueen.”
Iisa ang tanong ng followers ni Body Beautiful kung sino ang nag-a-attitude na aktres at dapat daw alam nito ang kinalalagyan niya.
Bago pa ulit nag-post si Ms Vivian na tatanggalin na niya ang post niya dahil may nakiusap daw at marami na ang nakabasa nito.
Ang tanong ng lahat, either kina Cristine Reyes o Isabelle Daza ang binabanggit ni Miss VV dahil sila ang lead actresses sa seryeng Tubig at Langis.
Nabanggit namin si Cristine dahil may record na siya rati sa pagiging prima donna pero nagbago na raw siya kaya baka nga hindi siya.
Samantalang si Isabelle naman ay baka naman wala sa mood ng mga oras na iyon dahil nga may isyu sila ng mommy Gloria Diaz niya na hindi pa siya pinapayagang magpakasal sa French boyfriend niyang si Adrien Semblat, general manager ng Adidas dito sa Pilipinas bukod pa sa may hashtag na ‘asalqueen’ since rating beauty queen ang nanay niya.
FACT SHEET – Reggee Bononan