Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, OTWOLista rin daw

00 fact sheet reggeeHINDI itinanggi ni Kris Aquino na OTWOLISTA siya dahil kahit na busy siya sa taping ng Kris TV ay nagawa niyang abangan ang Final Flight ng On The Wings of Love nina James Reid at Nadine Lustre noong Biyernes kasama ang ilang kaibigan at staff ng programa niya.

Balik-tanaw tayo na humingi ng dispensa si Kris sa OTWOLISTAS at fans ng JaDine dahil hindi na raw niya gaanong nasubaybayan ang kuwento nina Clark at Leah dahil kailangan niyang sabayang matulog ng 9:30 p.m. ang mga anak niyang sina Josh at Bimby noong mga panahong pinayuhan siyang magpahinga ng doktor dahil sa pabalik-balik na pagtaas ng blood pressure niya.

Ang seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano at Pangako Sa ‘Yo ang nasubaybayan niya ng ilang gabi simula noong hindi siya naglalabas ng bahay niya.

Kaya noong Biyernes ng gabi ay talagang inabangan ni Kris ang pagtatapos ng love story nina Clark at Leah at siya rin mismo ang nagluto ng hapunan nila habang pinanonood ito.

Base sa post ng TV host sa kanyang Instagram, ”I caught the KISS! Silipin n’yo- wipe out- I cooked Swift Corned Beef for my hungry #OTWOLISTAS. Alam n’yo little sincere gestures matter a lot,@nadzlustre finds time to make me kamusta sa text & I was so touched when I was lying low, sa ka busy-han n’ya, she said may birthday gift s’ya for me & wanted to visit- plus she shared w/ me before their big reveal na “super happy” siya. Congrats @dreamscapeph!#IStillBelieveInHappilyEverAfter”

Si Darla ay nag-post din ng, ”kanina (Biyernes ng gabi) sa#OTWOLTheLastFlight. Ang saya pero naiinggit ako kina Leah at Clark. Kaya si@kriscaquino, the sweetest as always, pinagluto kami ng Swift Corned Beef na bago kong paborito. Happy na ako! FOODever lang talaga ang meron ako. Hahaha! Thanks Krisy! Thanks my co-OTWOListas!”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …