Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, sobrang bilib sa mga dayuhang contestant ng I Love OPM

00 fact sheet reggeeANG host ng singing contest na I Love OPM na si Anne Curtis ay aminadong sobrang bilib sa mga dayuhang contestant ng programa dahil ang gagaling daw magsalita at kumanta ng Tagalog sa ilang buwan nilang pananatili sa Pilipinas.

Iyong iba naman ay mga misyonaryo at natutong kumanta ng OPM sa tulong ng mga nagiging kaibigan nila sa bansa at naging daan ito para sumali sila sa singing contest.

Matatandaang katulad din ni Anne noon ang mga dayuhang ito dahil baluktot din ang dila niya at ilang taon ang ginugol niya bago siya natutong magsalita ng Tagalog.

“Mga three years, pero hindi pa rin nawawala ‘yung Australian accent kaya talagang everyday teleserye ‘yun kasi kailangan diretso ang Tagalog ko.
030216 anne Curtis“Pero bago ako nag-teleserye, nag-extra muna ako sa movie nina ate Angelu (de Leon),” kuwento ng dalaga.

Natanong ni Manay Ethel Ramos ang Himmigration Officers na sina Martin Nievera at Lani Misalucha kung anong masasabi nila kay Anne na hindi naman daw singer, pero naging certified singer na ngayon at bilang patunay ay nagkaroon pa ng album at sold out concerts. Pasado raw ba ang dalaga sa mga nabanggit?

Punto de vista ni Lani, ”honestly po, nakita ko naman talaga ‘yung improvement niya (Anne). Para sa akin kasi hindi naman ‘yung gaano kahusay, pero ‘yung proseso bago mo marating ‘yung ganoon (status) kaya bilib ako sa kanya (Anne) kasi talaga namang nagpilit siya, nag-aral siya in a good way, nag-effort po talaga, she worked so hard at talagang gusto niya talagang matutuhan, iyon ang mas matimbang talaga para sa akin.

“But I want to say na talagang nag-improve talaga siya (Anne) sa totoo lang. At nakatatawa kasi bago kami mag-start (taping ng OPM), talagang nagsa-sampol ‘yan, kumakanta siya (Anne) at hinihiyawan naman talaga siya. At ‘yung mga sampol niya hindi biro talagang (matataas ang tono).”

Say naman ni Martin, ”Anne Curtis and to all the singers in this country, she has more passion, she has more honesty because she doesn’t claimed to be Barbra Streisand, Celine Dion or Lani Misalucha. Anne Curtis is one singer who I think knows the truth of her talent as a singer, but she has more drive, more passion than a lot of singers in this country, in fact she has more than a lot, so we should learned from Anne’s passion, we should never loose that passion.”

Naibahagi rin ni Martin na noong nagkaroon daw ng concert si Anne sa ibang bansa ay talagang lumapit daw ang TV host sa sound engineer at nagpakilala at sinabing show niya iyon at siya ‘yung nasa poster pero hindi raw siya marunong kumanta, ”she told to the sound engineer that, ‘I’m not a good singer.’ Kaya panay daw ang senyas ng Concert King sa dalaga na tigilan na niya ang sinasabi nito.

“Kaya tumakbo ako sa sound booth and I told them that ‘she’s (Anne) really a big star in the Philippines, but she claims that she’s not a good singer so, that’s her.’ See what I’m saying, no one beat that saying at the beginning of a sound check.  Kaya Anne Curtis, Ikaw Lang.”

Abot-abot naman ang pasalamat ni Anne kina Lani at Martin sa magandang sinabi sa kanya kaya ang sigaw ng Himmigration Officers sa TV host at nagpipilit na maging singer, ”approved.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …