Saturday , November 16 2024

Maling paggamit ng P50M PDAF, dapat sagutin sa Caloocan

Kinondena ng iba’t ibang sektor sa Caloocan City ang pagkakaloob ng kung ano-anong parangal kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan para mapagtakpan ang maanomalyang paggamit nito ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Accelaration Program (DAP) na idineklarang labag sa Konstitusyon ng Supreme Court (SC).

“Katawa-tawa na kung ano-anong nagsulputang mga grupo ang nagbibigay ng award kay Mayor Oca ngayong malapit na ang eleksiyon,” giit ni Elmer Cruz, pangulo ng Maralitang Tagalungsod ng Kalookan (MataKa). “Most ourstanding nga si Mayor Oca sa pagsusugal at alam iyan ng taga-Caloocan. Most outstanding nga ang operasyon ng jueteng, sakla, pula-puti at iba pang ilegal na sugal sa aming lungsod.”

Tinuligsa rin ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (4K) ang pananahimik ni Malapitan sa paglalaan ng mahigit P50 milyong pondo sa pekeng non-governmental organization (NGO) na Kaloocan Assistance Council, Inc. (KACI) noong kongresista pa lamang ang alkalde.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, bakit hindi mag-ingay ang mga public relations officers ni Malapitan sa pagsagot kaugnay ng isyung KACI dahil malinaw na plunder ang ginawa ng alkalde.

“Marami nang nakasuhan sa pagkakaloob ng pondo sa KACI at tanging si Malapitan ang pinalusot ng Ombudsman dahil sabit din si LP (Liberal Party) presidential bet Mar Roxas noong senador pa lamang ito,” diin ni Pineda. “Kaya halos lumipat na si Mayor Oca sa LP at ipinangakong landslide ang pagwawagi ni Roxas sa aming lungsod pero saan sila kukuha ng mga boto?”

Nagsimula nang magkampanya ang MataKa at 4K laban sa imoral na sabwatan nina Malapitan at Roxas para itago ang kanilang katiwalian sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *