‘Hari’ ngayon sa pier si Alias Henry Tan
Jimmy Salgado
March 1, 2016
Opinion
GRABE ang parating na kontrabando ngayon ng isang estapador at swindler na si alias HENRY TAN.
Dapat talagang kumilos na ang Immigration dahil puro baluktot umano ang papel sa immigration.
Pinagyayabang niya na hindi siya puwedeng galawin ng Immigration dahil inaayos daw niya ang isang alias Duds Penera. Abusado at namedropper pa ang intsik. Ang trabaho o smuggling nito ay umaabot sa 350 container a week at ang naglalakad ng dokumento ay sina alias JOHN T. at isang RINGO STAR.
Specialty nila ay steel smuggling sa Cebu, Subic, Davao, POM at MICP. Pinanakot pa nina alias John at Ringo na malakas daw sila sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.
Laging may bitbit na baril kahit gun ban si Henry T. Malaki ang duda ng ilang customs intel na may ‘palaman’ ang mga kargamento na galing sa China.
BOC Comm. Bert Lina, paki-monitor mo ang mga consignee na gamit nila gaya ng YELLOW MINERS, MAMBOO LINK, TOUGH SAPPHIRE at GREEN HORSE.
Nakatimbre rin daw ba kay Alma Titus ang naturang smuggling!?
****
Bakit grabe pa rin ang tarahan sa OCEAN LINK?
Pati hao shiao may hawak na gate pass! Kahit maliit na box, two thousand ang sinisingil sa broker. Ilang 2k sa maghapon ang nakokolekta nila!?
***
Itong alias JOE-EL PCCI ay may tagamasahe pa habang pumipirma ng clearance!
Mayabang talaga ang hindot na isinusuka ng mga broker sa sobrang pangongotong sa kanila!
Ipinagdarasal nga nila na sana’y ma-ambush na itong si JOE-EL!
***
Mahigpit na pinagbabawal ang maglakad ng shipment kapag empleyado ka ng customs.
Pero bakit isang alias KARANDANG ay may brokerage? Dapat mag-resign ka na sa customs!
May kaso pa raw ‘yan sa Ombudsman.
***
Si BOC Depcom Ariel Nepomuceno lang ang nakita ko sa Customs na walang alingasngas at puro trabaho lang ang inaatupag. ‘Yun iba kasing opisyal diyan sa customs ay no take policy daw pero ‘yun pala may bata sila na kumukolekta sa labas!
Kay Depcom Nepomuceno ay may kalalagyan ka pag kinalaban ninyo, tahimik at marunong makisama pero kapag niloko at pinalusutan ay masamang kalaban. Nakita n’yo naman ang anti-smuggling operations niya, matagumpay.
Hindi matatawaran ng salapi ang pagseserbisyo niya sa bayan.
Da best ka Sir Nepo!
***
Isang dating taga-customs na Congressman ngayon ay nakita natin sa SM-MOA na naka-two-door na Benz at may back-up pang Land Cruiser. May tagasuot pa ng Amerikana niya. Sobrang yabang naman niya ngayon nasa congress na siya.
Butterfly politician ang bansag sa kanya ngayon dahil sumama sa ibang partido kasi patapos na ang Pnoy admin.
Anyway, may karma pa rin naman sa mundong ito ‘di ba?
***
Ito naman Philpost ngayon ay nakikialam sa trabaho ng customs. Pati customs duties & taxes ay sila na raw ang magko-compute?!
Gustong saklawan ang tariff and customs code.
***
Grabe rin daw ang smuggling ngayon sa North Harbor at Harbor Centre. ‘Yan dapat ang bantayan.
Lagi raw wala si bossing, papasok lang daw sa hapon para kolektahin ang tara. Totoo ba ito?