Friday , November 15 2024

Website ng UST hospital na-hack (Protesta vs doktora)

NAPASOK ng grupong “Global Security Hackers” ang website ng University of Santo Tomas Hospital.

Doon ay inihayag ng grupo ang kanilang pagkadesmaya at pagkondena sa anila’y pagtanggi ng isang doktora na bigyan ng serbisyo ang isang manganganak na pasyente.

Kasunod ito nang kumalat sa social media post na sinasabing tinanggihan ni Dr. Anna Liezel Sahagun na tanggapin sa nasabing ospital ang manganganak na si Siarra Pelayo dahil hindi makapagbayad ng P20,000 deposito.

Kasama ni Pelayo ang kanyang asawa na si Andrew noong Pebrero 19 nang naganap ang nasabing insidente.

Sa nasabing social media post, sinabi ni Andrew, nang malaman ni Sahagun na hindi sila makapagbabayad ng deposito, ini-refer sila sa isang government hospital sa kabila nang maselan na kondisyon ng pagdadalantao ng kanyang asawa.

Agad silang nagtungo sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ngunit bumalik din sa UST Hospital nang malaman na walang incubator sa JRMMC.

At nang makabalik muli sa UST, muling ini-refer sila sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Ngunit huli na ang lahat dahil hindi na naisilang nang buhay ang sanggol habang nakaligtas sa pagkalason ang ina.

Ayon sa nasabing grupo ng hackers, mali at malaking paglabag sa sinumpaang tungkulin ang ginawa ni Dr. Sahagun.

Nananawagan din sila sa mga kinauukulan na magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.

Samantala, wala pang official statement ang ospital sa isyung ito.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *