Friday , November 15 2024

Suspek sa rape sa UPLB student umamin (Sinurot ng konsensiya)

NAKONSENSIYA ang isa sa mga suspek kaya umamin sa pagkakasangkot sa 2011 rape-slay case sa biktimang si Given Grace Cebanico.

Noong Oktubre 11, si Cebanico, 19-anyos third-year Computer Science student ng University of the Philippines-Los Baños, ay natagpuang patay sa IBP Road, Brgy. Putho-Tuntungin, Los Baños.

Siya ay binaril at sinaksak sa likod makaraan gahasain.

Kinompirma kahapon ni Atty. Tito Sese, legal counsel ng pamilya Cebanico, ang suspek na si Lester Ivan Rivera, bank security guard at kapwa akusado sa kaso, ay umamin sa tatlong counts ng rape with homicide at isang count ng theft sa ginanap na pagdinig nitong Pebrero 23.

Ang pagdinig ay ginanap sa loob ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City, habang pinagsisilbihan ni Rivera ang isang count ng theft na inihain sa kanya ng security agency bunsod nang pagnanakaw sa baril na ginamit niya sa pagpatay kay Cebanico.

Ayon kay Pastor Jun Cebanico, ama ng biktima, umamin sa krimen si Rivera dahil sinusurot na siya ng kanyang konsensiya.

“Ang sinasabi niya, hindi na kaya ng kalooban niya na magpatuloy na magsinungaling kaya gusto niya talaga ay aminin na.”

Dagdag ni Pastor, “Ngayon pa lang ay thankful na kami na at least, itong isa ay umamin na at bababaan na siya ng hatol so ang aming ipinaglaban for more than four years, ang katarungan na hinahanap namin para sa aming anak ay finally, hopefully makamit na namin kahit dito sa isang accused pa lang.”

Samantala, ang tricycle driver na si Percival de Guzman, sinasabing sapilitang pinasakay sa tricycle ang biktima at dinala sa crime scene malapit sa UPLB, ay nanindigan na inosente siya sa kaso.

Si De Guzman ay kasalukuyang nakapiit sa Los Baños municipal jail.

Ang depensa ay nakatakdang magpresenta ng isa pang testigo at karagdagang ebidensiya sa pagpapatuloy ng pagdinig sa Marso 3 at 10.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *