Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxee, tinanggal nga ba sa Bakit Manipis ang Ulap?

00 fact sheet reggeeSA ginanap na presscon ng bagong Happy Truck Happinas ay natanong ang bagong dagdag na si Roxee B o dating Roxanne Barcelo kung bakit siya tinanggal sa seryeng Bakit Manipis ang Ulap?bilang asawa ni Bernard Palancana ex-boyfriend ni Claudine Barretto?

Napangiti lang si Roxee at hindi niya sinagot ng diretso ang tanong, ”ganoon po  yata ang takbo ng showbiz at trabaho, pero kahapon (Martes, Pebrero 23) po may magandang balita naman po sa akin (Viva) kaya iyon po ang inaabangan at ginagalingan ko naman po ang bawat eksenang ibinibigay sa akin.”

Tinanong naming ulit ito kung wala na ba talaga siya sa serye?”Iba po ‘yung narinig ko, pero sige po (oo tinanggal) oo na, pero ginagalingan ko naman po, siguro sa hosting naman po, tuloy naman ako sa ‘PDO (aksyon balita)’, ‘Bet Mo Ba TV’ show sa Viva, so, isang karangalan po na makasama ako rito sa ‘Happy Truck Happinas’,”  nakangiting paliwanag ng aktres.

022716 roxee bSamantala, natanong din kung hindi na tuloy ang kasal nila ng boyfriend niyang siWill Devaughn.

“Hindi naman po, any moment po na kapag na feel na po namin ‘yung urge, wow (natawa), big word. ‘Pag ready na po.

“Pinapa-una lang po namin ‘yung mga kabarkada namin, gusto kong maging bridesmaid sa lahat, gusto naming ma-witness lahat. Kapag tamang panahon na po.

“Kami pa naman po at hindi pa naman po kami nagli-live pero minsan sleep over, uso naman na po ‘yun,” tumawang sabi ni Roxee.

Sa kabilang banda, kaya nag-reformat ang Happy Truck Happinas ay nagdagdag ng maraming segments tulad ng Linggo Limbo, Dummy Kong Tawa, MY DIY (My Daddy Is Yummy), Mutya Ka ng Bayan, ang remote segment na Kalye Diva, Basagan ng Brains, IQ ay Pilipino, OJ In-Between, VideOK na, KantaRant, Quick and answer, Pik Pak Boom, Walang Hulugan, at Walang Basagan ng Trip.

Bukod kina Ogie, Janno Gibbs, Gelli De Belen, Tuesday Vargas, Alwynn Uytingco, Tom Taus, Kim Idol, Akihiro Blanco, Ritz Azul, Eula Caballero, Sugar and Spice, at Derek Ramsay ay nadagdag na ang bagong babies ng Vivaartists tulad nina Alonzo Muhlach, Shy Carlos, Yassi Pressman, Meg Imperial, Bangs Garcia, Sam Pinto, Ella Cruz, Kim Molina, Monica Cuenca, at ang all male barkada, Yolol  (You Only Live Once Lang) na binubuo nina Andrew Muhlach, VJ Marquez, Jason Salvador, Owy Posadas, at Jack Reid plus Roxee nga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …