Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, si Grace Poe ang susuportahan sa pagka-pangulo

00 fact sheet reggeeITINANGGI ni Ogie Alcasid na may tax case ang daddy niya at ang kompanya na konektado siya, mayroon lamang daw itong problema pero naayos na.

Nalaman namin sa aming source na may problema ang ama ni Ogie dahil hindi kompleto ang isinumiteng dokumento nito sa BIR.

022716 Grace Poe“My father? Ah no, ‘yung company nila, I think naayos na nila ‘yun. Hindi siya (daddy), mahirap lang ang tatay ko, ha, ha, ha. Mahirap lang kami,” natawang sabi ng isa sa main hosts ng Happy Truck Happinas na mapapanood na sa Marso 6, Linggo, 11:00 a.m. sa TV5.

Sabi namin na may pag-aari ang pamilya nila na Rural Bank at milyones ang pondo bago ka magkaroon nito.

“Yeah, but my father is almost retired so he doesn’t pay many taxes, it’s the company he works for,” katwiran ni Ogie.

022716 OGIEBaka nga nagamit lang ang pangalan ng ama ni Ogie dahil nga kilala siya.

“Siguro, pero okay na ‘yun,” sabi ng TV host/actor.

Samantala, pagkatapos ng Q and A ay inamin ni Ogie na si Grace Poe ang susuportahan niya sa Presidential election.

“Sayang, hindi ko nga napanood ‘yung debate kasi nasa Australia ako, pero from what I saw, I think she did very well, so ‘yung susunod is with TV5 at I’m excited to go to Cebu, I wanna be there to give moral support to Grace,” pahayag pa ni Ogie.

Sa kabilang banda, kaibigan din ni Ogie si Saranggani Representative Manny Pacquiao at natanong ito kung ano ang masasabi niya sa isyu  tungkol sa same sex-marriage at kung nakapag-usap na sila.

“Hindi, eh, I was also in Australia (ha, ha, ha).  More or less we have the same faith but not with the same church, pero hindi pa kami nagkakasama sa prayer meeting. But you know, were all Christians and I’m happy, you know, let’s finish, let’s move on to that issue,”paliwanag ni Ogie.

Maraming gay friends ang asawang si Regine Velasquez, ”o yes, I love our gay friends, I played gay roles all the time. I think, it’s important that we forgive and probably heal first, maraming nasaktan, eh. It’s understandable,” pahayag pa ng TV host.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …