Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, ayaw pang magsalita ukol sa kanyang pagbubuntis

00 fact sheet reggeeNAKAPAGTATAKA na hindi sinagot ng diretso ni Toni Gonzaga – Soriano ang tanong sa kanya kung totoong buntis na siya nang makausap siya sa katatapos naAnak TV Awards na Hall of Famer na siya.

Ayon kay Toni, ”I think this is not the right moment and the right place to talk about it. Siguro may tamang panahon.”

022616 toni gonzaga piolo pascualNasulat namin dito sa Hataw na tatlong buwang buntis na ang Multi Media Star base sa kuwento ng aming source na, ”first trimester” ang terminong ginamit sa kanila ng kampo ni Toni at iaanunsiyo raw nila ito sa lalong madaling panahon.

Nabanggit din ng aming source na hindi nakakapag-taping si Toni ng seryeng Written In Our Stars dahil masama ang pakiramdam nito minsan at nabanggit din ng taga-ABS-CBN na posibleng palitan na ang aktres sa papel niya.

Pero huling kuwento naman sa amin ng kampo ni Toni ay tatapusin niya ang Written In Our Stars dahil kasama ito sa kontrata noong nag-renew siya.

Ang tanong, kailan ba ang right time at saan ang right place para magsalita si Toni kung buntis na siya o hindi pa?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …