Friday , November 15 2024

Hinlalaking daliri pinutol ng madre (Protesta laban sa landgrabbing)

KORONADAL CITY – Bilang protesta sa mabagal na solusyon at kawalan ng hustisya ng mga katutubong inagawan ng lupa sa Sitio Kuemang, Brgy. Palkan, bayan ng Polomolok, South Cotabato, pinutol ng isang madre ang kanyang hinlalaki sa kaliwang kamay.

Pinutol ang kanyang daliri ni Sister Leah C. Cabullo mula Northern Samar, tumutulong sa mga katutubo sa probinsya ng South Cotabato, na makatawag nang kaukulang pansin ang kanilang ipinaglalaban.

Ang kanyang hakbang ay kasabay nang paggunita sa ika-30 anibersaryo ng EDSA people power revolution.

Ang mga biktima ng land grabbing ay miyembro ng tribong B’laan galing sa Ogan clan na matagal nang humihingi ng hustisya para maibalik ang lupang kanilang pagmamay-ari.

Matagal nang nakaposisyon ang Ogan clan sa 18 ektaryang lupa ngunit nang dumating ang pamilya Española, taon 1941, inangkin ang lupain at ipinangalan sa kanila hanggang naging caretaker na lamang ang Ogan clan.

Nang tumagal ay pinaalis ang Ogan clan at umabot sa punto na kahit sa libingan ng kanilang mga ninuno ay hindi na sila pinalalapit.

Sinasabing ang mga inilibing na miyembro ng tribu ay ipinahuhukay dahil wala na anila silang karapatan. May mga armadong grupo pa umanong nananakot sa kanila.

Ilang ahensiya na ng gobyerno ang kanilang nilapitan gaya ng NCIP Region-2, DENR at DSWD ngunit wala pa rin aksyon sa problema na kanilang idinadaing.

Nagkaroon ng amicable settlement sa dalawang panig ngunit nakasaad sa agreement na magsasagawa sila ng relocation survey sa pinag-aagawang lupa ngunit ang mga katutubo ang maghahanap ng geodetic engineer at magbabayad ng gastos para sa relocation survey.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *