Friday , November 15 2024

Grace Poe Natural Born Filipino Citizen (Say ng CHR sa SC)

022616 FRONTKINATIGAN ng Commission on Human Rights (CHR) si Senador Grace Poe sa kanyang kandidatura sa pagka-presidente at sinabing isa siyang natural-born Filipino citizen.

Sa isang memorandum na isinumite sa Supreme Court, sinabi ng CHR na ang mga foundling o pulot na katulad ni Poe ay may karapatan sa isang nationality at ang estado ay obligadong irespeto at protektahan ang kanilang karapatan.

Sinabi rin nito na ang prinsipyo ng “best interest of the child” ang dapat manaig sa mga foundling.

“Foundlings in the Philippines should not be considered stateless. There is basis in law to hold foundlings as Filipinos,” ani ng CHR.

Isinumite ng CHR ang memorandum bilang  ”amicus curiae” or kaibigan ng korte.

Sinabi rin nito na isang malaking anomalya kung ang mga katulad ni Poe ay walang nationality.

Si Poe ay isang foundling na nag-file ng petisyon sa SC na baliktarin ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na kinakansela ang kanyang certificate of candidacy dahil sa pagsisinungaling sa kanyang citizenship at residency requirements.

Sinabi ng Comelec na nagsinungaling si Poe sa kanyang CoC sa pagsasabing isa siyang natural born Filipino citizen. Sinabi ng Comelec na hindi siya natural born Filipino citizen dahil isa siyang pulot or inabandona ng kanyang magulang.

Ang kaso ay submitted for resolution matapos ng limang oral arguments na tumalakay sa kanyang pagiging natural-born citizen.

Sinabi ng CHR na base sa kasalukuyang estado sa international law, ang usapin ng nationality ay hindi lamang nakareserba sa sovereignty ng mga bansa. Ito ay dahil ang mga international law at kasunduan ay nagtatakda sa kung ano ang nationality ng isang tao base sa human rights.

“The rights of other States and human rights considerations influence it, and so States are no longer with unbridled discretion on the question of nationality. States are bound by human rights norms and principles on questions of nationality, which have bearing on their own internal questions of nationality,” pahayag ng CHR.

Sinabi rin na ang Filipinas ay lumagda sa ilang international human rights treaties na kumikilala rito at hindi na kailangan ng isang batas upang bigyan sila ng ganitong karapatan.

“In line with judicial decisions of the International Court of Justice, and the opinions of most highly qualified publicists in international law, the state has the obligation to grant them Philippine nationality even absent an enabling local law since it is an obligation erga omnesto prevent stateless among foundlings,” sabi ng CHR at idinagdag na “(b)y its nature the right to a nationality of foundlings is an independently enforceable human right.”

Bukod rito kinikilala din ng Filipinas ang  obligasyon ng mga bansa na mag-aalis sa “statelessness” ng isang tao at ang liberal na approach na pagkilala sa vulnerable groups katulad ng foundling.

Sa katunayan, ayon sa CHR, kinalala ng estado ang mga foundling bilang mga Filipino sa pagbibigay sa kanila ng birth certificate, pag-aampon at pagboto sa halalan.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *