Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Migz at Maya, Star Music record artists na!

00 fact sheet reggeeNATUPAD na ang pangarap nina Migz Haleco at Maya na PPL Entertainment stars na magkaroon sila ng sariling album at ang ganda pa ng record label na napuntahan nila, sa Star Music.

Kuwento ni Migz, “Nagulat lang ako kasi nga ang laki ng Star Music at hindi ko rin in-expect na rito kami mapupunta kasi rati ang alam ko lang magkakaroon ako ng independent album na self-produced tapos heto nga, parang ang bilis ng nangyari.”

Parang ang bilis daw ng pangyayari sa singing career nila ni Maya dahil kailan lang sila inilunsad as duo tapos kaliwa’t kanang gigs na at corporate shows tapos ngayon magkakaroon na ng album.

“Sobrang overwhelming talaga, lalo na noong binanggit sa amin na baka mag-guest kami sa ‘ASAP’ for promo, eh, isa ‘yun talaga sa pangarap kong makapag-perform sa ‘ASAP’,” nakangiting sabi ng baguhang singer.

Gustong maka-collaborate ni Migz si Bamboo kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Dati kasi gusto ko sina Kitchie Nadal o Barbie Almalbis, eh, noong birthday concert ko, sinorpresa ako ng management ko na nandoon sila, tumugtog sila so kumbaga nangyari na ‘yung pangarap ko, so si Bamboo ang gusto kong maka-collaborate at saka si Yeng (Constaninto) din,” kuwento ni Migz.

022516 migz maya 4

At dahil magpo-promote sina Migz at Maya ng kanilang album ay tiyak na maggi-guest sila sa ASAP20 at kapag nagustuhan ang performance nila at dumami ang fans ay hindi malayong maisama sila sa mga show sa ibang bansa.

Dream din pala ng dalawa na mapasama sa ASAP, ‘yun nga lang daw, baka ma-starstruck sila.

“Baka hindi na kami makapag-perform kasi nakakahiya (ang gagaling nila). Baka isipin nila (‘ASAP’ singers), ‘sino ‘tong dalawang ‘to,” natawang sabi ni Migz.

Say naman ni Maya na timing ang pagpasok nila sa Star Music, “sabi nga po sa Star Music na tiyempo ang pagpasok namin kasi nga wala raw acoustic singers ngayon, dati mayroon, eh, nawala na ‘yung iba. Kaya excited po talaga kami.”

Hindi rin itinanggi ni Maya na nangangarap din siyang kumanta ng themesong ng teleserye ng ABS-CBN dahil napakalaking exposure raw iyon na mapakikinggan o mapatutugtog gabi-gabi.

“Oo naman, gusto ko talaga po ‘yun,” saad ni Maya.

Sa tanong kung may pangarap silang pasukin ang pag-arte, “ay wala po, mahiyain ako,” mabilis na sabi ni Migz. At si Maya, “wala eh.”

As of now ay ang debut album ang pinagtutuunan ng panahon nina Migz at Maya kaya looking forward sila sa launching at sa mga mall show nila.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …