Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie, isinama sa Encantadia para ‘di iwan ang GMA

00 fact sheet reggeeHINDI pinakawalan ng GMA 7 si Kylie Padilla dahil inoperan kaagad siya ng fantaseryeng Encantadia bago magtapos ang kontrata niya sa Setyembre ngayong taon.

May narinig kasi kaming lilipat si Kylie sa ABS-CBN bagay na gusto rin ng ama niyang si Robin Padilla pero hindi naman siya pinakawalan ng Kapuso Network.

Hindi naman maitatagong vocal si Binoe na gusto niyang makasama ang anak sa isang project lalo na kung aksiyon ang pag-uusapan dahil hinasa rin niya ang aktres sa martial arts.

At interesado naman daw ang ABS-CBN kay Kylie dahil magaling nga siya sa aksiyon at walang artistang babae ang Kapamilya Network na tulad ng ginagawa ng aktres.

Kaya tinawagan namin ang manager ni Kylie kahapon na si Betchay Vidanes kung wala silang planong umalis sa GMA, “okay naman po kami sa GMA 7, gagawin nga namin ang ‘Encantadia’.”

Masaya nga raw si Kylie dahil napakaganda ng Encantadia at gagampanan niya si Princess Amihan na papel noon ni Iza Calzado.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …