Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, dream come true na makatrabaho si Lloydie

021016 lloydie jennylyn mercado

00 fact sheet reggee“FINALLY, natuloy din” ito ang sabi sa amin ng taga-ABSCBN kahapon nang kumuha kami ng detalye na magkasama sina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado sa pelikulang isinu-shoot ngayon ni Direk Cathy Garcia-Molina for Star Cinema.

Yes Ateng Maricris, noong Lunes daw ang first shooting day nina Lloydie at Jen sa San Fernando, Pampanga at talagang pinagkaguluhan daw ang dalawang artista.

Binisita namin ang Starcinema.com at sakto may litrato ang dalawa habang binibigyan siya ng instruction ni direk Cathy at kitang-kita na kahit init na init ang dalawa (mainit ang panahon) ay mababanaag na masaya sila.

Binalikan namin ng tanong ang kausap na taga-Dos kung paano niya nasabing ‘finally, natuloy din.’

Ang kuwento sa amin ay matagal na raw may offer ang Star Cinema kay Jen pagkatapos ng English Only Please nila ni Derek Ramsay, pero hindi kinaya ng schedules ng aktres dahil naka-commit na raw siya noon sa Regal Entertainment, ang pelikula nila ni Sam Milby naThe Prenup na idinirehe ni Jun Robles Lana.

Nabalitaan din namin na ikinonsidera pala si John Lloyd sa #Walang Forever pero ginagawa na nga niya ang Honor Thy Father kaya siJericho Rosales na sakto naman dahil maganda ang chemistry nila ni Jennylyn.

Anyway, romantic-comedy daw ang concept ng pelikula nina Lloydie at Jen at knowing direk Cathy na forte niya ito kaya tiyak na maganda ito lalo’t parehong lovable sa screen ang dalawang artista niya.

Sabi nga ni Jen ay dream come true ang pagsasama nila ni JLC dahil, “fan niya talaga ako.  lahat ng pelikula niya, pinanonood ko talaga.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …