Saturday , November 23 2024

Ang dating progresibo at militanteng grupo ng mga kaliwa sa Eleksiyong 2016

MULA nang opisyal na mabiyak ang dati’y malakas at maimpluwensiyang leftist group, ang kanilang mga dating miyembro at kilalang mga lider ay parang naging ‘bagamundong nagpakalat-kalat sa kalye.’

Pasintabi.

Mayroon pa rin namang mga organisado sa kanilang hanay… nagpapatuloy sa kanilang layunin na magmulat, mag-organisa at magpakilos.

Ilang kawan ang naglulunoy sa akademya dahil naniniwala silang dito maipapasa ang kawagasan ng kanilang mga layunin at adhikain sa bagong henerasyon.

Pero mayroon din naman sa kanila na ang layunin ng pakikipagtagisan ng galing sa akademya ay para ipagpatuloy ang ‘intellectual masturbation.’

Aba, mahirap magbasa ng sandamakmak na teorya pero walang praktika. Naka-bubuang ‘yan.

Mayroon din mga self-employed na nagtayo ng maliliit na negosyong minsan ay malakas pero kadalasan ay naba-bankrupt. Ang iba ay nag-eempleyo sa local governments.

Pero marami sa kanila ay nasa kawan ng ‘unemployed’ at  ‘political loiterer’ na nakasusumpong ng ‘raket’ tuwing eleksiyon.

Lalo’t ilang dekada na rin namang nahahaling at nababaliw sa ‘parliamentaryong pakikibaka’ ang mga dating ‘street parliamentarian.’

Dumating na nga ang panahon na tinanggap na sila ng ‘mainstream society’ bilang ‘official political loiterer.’

Ngayong 2016 elections, bitbit at isinusulong ng organisadong hanay ang isyu ng ibinasurang P2000 SSS pension hike dala ang kampanyang, “Kampihan na, Pito Para sa Pagbabago.”

Ito ang pagsasanib-puwersa ng naghiwalay na reaffirmist (RA) at rejectionist (RJ) at ngayon ay isinusulong ang kandidatura ng pitong senatorial bets sa pangunguna ni Neri Colmenares.

Mayroon din grupo ng mga ‘hardcore’ na madiin ang kampanya para hindi makaupo si Bongbong Marcos dahil anak siya ni Ferdinand Marcos.

Ang kanilang pagpapasya na lumahok sa mga organisasyon o kampanyang kanilang isinusulong ngayon ay maaaring resulta ng kanilang karanasang organisasyonal at politikal sa mga nagdaang panahon.

Ang pagpapasyang ‘yan ay kanilang karapatan. Pero sana ay nananatili ang kanilang katalasan sa pag-aanalisa lalo’t desperado ang administrasyon na ipanalo ang kanilang manok, by hook or by crook, at the expense of people’s money.

Para sa mga ‘hardcore’ na inialay ang kanilang kabataan para sa bayan at ngayon ay nasa huling panahon na ng kanilang buhay, isang kasipha-siphayong karanasan at dagok sa kanilang integridad at dignidad kung hanggang sa huli, sila ay nalalansi ng mga tunay na kaaway sa uri.

Sabi nga ni Plaridel, “Kaiingat kayo!”

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *