
UMABOT na ang Lingap Pamamahayag outreach at livelihood program ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Tampakan South Cotabato matapos ang isang katulad na aktibidad sa Gen. Santos City Polomolok Gymnasium at isa sa pinakamalaking gawain ng Lingap. Ipinamahagi ng INC ang 8,000 na limang kilong livelihood pack, 15,000 piraso ng damit, 10,000 laruan para sa mga bata at 20 sewing machine, kasama ang isang backhoe unit, isang payloader, dalawang Sarao jeepney, limang motorsiklo, dalawang traktora, 20 kalabaw at 10 kabayo. Kasabay ng libreng medikal at dental mission.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com