Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panahon Ng May Tama #Comi-Kilig ipinalit sa AlDub

020116 ate gay Chuchay Boobsie Papa Jack

00 fact sheet reggeeSA presscon ng Panahon Ng May Tama #Comi-Kilig ay tinanong ang producer ng show na si Joed Serrano of CCA Entertainment Production kung ano na ang nangyari sa offer niya kina Maine Mendoza na mas kilala bilang Yaya Dub at Alden Richards.

Nabalita kasi noong Oktubre, 2015 na inalok ni Joed ang dalawa para sa Valentine show na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ngayong Pebrero at 8-digit ang ibibigay na talent fee sa bawat isa.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi na ito natuloy kaya ang Panahon Ng May Tama #Comi-Kilig na lang na pagbibidahan ng comedy bar Superstars na sina Ate Gay, Boobsie Wonderland, at Ate Gay kasama ang DJ na si Papa Jack na ang mapapanod bilang pre-Valentine show ng CCA Entertainment Productions.

Kuwento ni Joed, totoong inalok niya ng P20-M ang AlDub, ”as you can see, totoo ‘yung date ko kasi, nasa akin ‘yung date na Feb. 13 and 14 ng Araneta.

“After formalizing the offer with the contract, I patiently waited for reply and decision from Alden Richard’s and Maine Mendoza’s respective managers. Nakausap ko sila ng paulit-ulit.

“So, late last year, they informed me that the planned concert for 2 nights this February 13 and 14 nga would require much time and effort for preparation. Totoo naman din kasi ang pagpe-prepare ng concert, eh matagal.

“So, kung ang artista eh medyo busy, magsa-suffer ‘yung concert. Plus of course, there’s a different plan from GMA-7 and TAPE office (humahawak ng career nina Yaya Dub and Alden) for the two f them.

“But after that offer, alam n’yong makulit ako, nag-concentrate ako ng solong offer for Alden.

“To cut the long story short, because of their hectic schedule, ang desisyon ng management ay maghintay until middle or latter part of this year.

“Or depende. Or GMA-7 will do it on their own. Ako, naroon ako sa posisyon na wala akong tinanggihan, ako ‘yung nag-offer.

“In any case, I thank their managers for studying my offer even if they had to decline eventually. But ‘yung local tours ko, like this coming Feb. 21, I’ll have Alden in Clark, so tuloy-tuloy ‘yung local. But ‘yung Big Dome, nasa gitna or latter part or depende kung ano ang mapagkasunduan ng GMA,” mahabang paliwanag ng concert producer.

Nakahihinayang naman dahil hindi lang local shows ang offer ni Joed kasama pa ang international.

Hindi man natuloy ang AlDub ay naniniwala si Joed na Panahon Ng May Tama #Comi-Kilig na ang puwedeng itapat sa lahat ng shows ngayong Araw ng mga Puso kaya sa Pebrero 13 ay magsasama-sama ang mga magagaling na comedy acts ng ating bansa muna sa direksiyon ni Andrew de Real.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …