“Well, nalungkot din ako, dahil si JM din kasi, as much as possible, kinakausap ko siya sa set. Alam naman natin ‘yung condition niya that time, ‘di ba?
“Feeling niya, wala siyang kakampi, feeling niya, inaaway siya ng marami.
“Kaya ako, ipinaramdam ko sa kanya na, ‘Brad, kaya ako nandito para may kausap ka. Huwag ka mag-alala, hindi ka nag-iisa rito, bro.’
“’Wala kang kaaway dito, bro.’ Then ayoko nang iungkat iyong mga personal problems niya kasi wala naman akong karapatan. Sa kanya iyon, eh.
“Nandito lang kami, mga kaibigan niya, para i-guide siya sa mga gusto niyang i-open na problema, ‘di ba, and at the end of the day, siya pa rin ‘yung magde-decide,” kuwento pa ng aktor.
Hindi lang daw si Aaron ang nakaramdam ng lungkot nang i-let go nila si JM.
“Nalungkot lahat ng ‘All of Me’ cast, iyong director namin (Dondon Santos), si Kuya Nars Gulmatico, executive producer) umiiyak, si Miss Maru (production manager). Kasi hindi nila kagustuhan ‘yung nangyari, eh.
“So hopefully makabalik siya uli, ‘di ba, kapag okay na okay na siya, kapag handa na siya sa trabaho. Welcome naman siya sa ABS anytime,” kuwento ni Aaron.
True ba na iniklian ang All Of Me? ”I guess not naman, eh. Kasi as much as possible, we stick to the plot.
“It just so happened na ito, ganito ‘yung nangyari, nagkaroon ng problema.
“And thankful na rin kami kasi yung mga writer, gumawa sila ng paraan para i-twist ‘yung story at naisip nila si Tito Albert.
“Ang hirap din doon sa part nila kasi biglaan iyon, then hand-to-mouth pa kami every day, then naitawid.
“Kaya kanina sa last episode namin, ipinakita iyong mga scene ni JM, ang daming nalungkot.
“Pagkatapos namin kunan iyong last day, pagkatapos ng taping, nagdasal kaming lahat na salamat sa friendship na nabuo, sa family.
“At ‘yung huling dasal namin na, ‘Ipagdasal natin si JM.’ Makikita mo talaga na concerned lahat ng tao sa kanya.”
Kaya JM sana makabalik ka dahil maraming nagmamahal sa ‘yo.
FACT SHEET – Reggee Bonoan