Friday , November 15 2024

Ang ‘negang-nega’ na si Mar

EDITORIAL logoMALAKI ang paniniwala nitong si dating Interior Secretary Mar Roxas na aangat ang kanyang rating o standing sa mga presidential survey kung ikakabit niya sa sarili ang malalakas na kalaban sa pamamagitan ng negatibong political ads. Negang-nega ang dating ng mga political ads nitong si Mar. Umaatikabong banat kay Vice President Jejomar Binay, Senador Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga pinakakawalang commercial sa radio at telebisyon, na gawa pa sa iba’t ibang dialect.

Hindi na nakapagtataka kung mauwi sa ganitong taktika ang kampo ni Mar. Isa lang naman ang kahulugan nito: desperado siya at ang kanyang kampo na maiangat ang kanyang rating lalo na ngayon na kulang 100 araw na lang ang nalalabi bago ang eleksiyon, at patuloy pa rin ang kanilang pagungulelat.

Kung naniniwala si Mar at ang kanyang kampo na ang negatibong political ads ang magbibigay sa kanya ng positibong resulta sa mga survey at sa mismong araw ng eleksiyon ay nagkakamali siya. Ayaw ng mga botanteng Pinoy ang “nega” politics. At ayaw ng marami sa isang “loser” na gaya ni Mar na para lang maiangat ang sarili ay kailangan maglaro nang marumi.

Lalo lamang inilalayo ni Mar ang kanyang sarili sa publiko na hanggang ngayon ay hindi makakonek sa kanyang imaheng ilustrado at mapang-api.

About Hataw News Team

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *