Kasama ni Meg si Claudine Barretto kaya natanong siya kung kumusta katrabaho ang Optimum Star.
Kaya natanong ang dalaga tungkol kay Claudine ay dahil sa matagal ng balitang mahirap ka-trabaho ang aktres lalo na kapag may problema ito na nadadala sa set.
Nagulat si Meg dahil hindi raw niya nakitaan ng ganoon si Claudine at nahihiya nga siya kasi sobrang maasikaso ang aktres at maagang dumarating sa set. Kaya nakakataka kung saan nanggagaling ang mga isyu.
Kuwento ni Meg, “‘pag tinawag siya ni Direk (Joel Lamangan), nagri-reading na agad kami and talagang gina-guide niya ako. Kasi siyempre, Claudine Barretto na siya, sinasabayan ko ’yung energy niya which is hindi siya ’yung nang-aagaw-eksena na hindi ka bibigyan ng time to shine. So, sabi ko sa kanya, sobrang iba ’yung naririnig ko.”
Nabanggit namin na baka dala ng pagod kaya minsan naiiba na ang working habit ni Claudine lalo na kapag madaling araw na at hindi pa tapos kunan ang mga eksena nila.
“Ay, maaga po kasi kami na-pack up, alas dose (hatinggabi) palang pack-up na kami,” sabi ni Meg.
Eh, kaya pala kasi maagang nakauuwi ang lahat kaya walang tension at maging si direk Joel ay kailangan ding umuwi ng maaga kasi nga bawal sa kanya ang mapuyat.
FACT SHEET – Reggee Bonoan