NANINIWALA ang balik-import ng Purefoods Star na si Denzel Bowles na dapat magsama-sama ang kanyang mga kakampi ngayong wala na si Tim Cone bilang coach ng Hotshots.
Lalaro pa rin si Bowles para sa kanyang mother team para sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Pebrero 10 kahit coach na si Cone ng Barangay Ginebra.
Si Cone ang nagdala kay Bowles sa bansa noong coach pa ito ng Star.
Nanalo ang Hotshots sa nasabing practice game kontra Accelerators, 94-87.
Dinala ni Bowles ang Star sa korona ng Commissioner’s Cup noong 2012 at napili siya bilang Best Import. ( James Ty III )