Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, ‘di totoong may kakaibang ugali (Away kay Anne, ‘di rin totoo)

020116 coleen anne

00 fact sheet reggeeNILINAW na ni Coleen Garcia pagkatapos ng Q and A sa thanksgiving at finale presscon ng Pasion de Amor kung bakit siya nawala sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

“It’s the management’s decision talaga. Kasi ako, even at my most tired days, even in the most exhausting days, pinipilit ko pa ring pumunta sa ‘Showtime’, kasi you know, ’yung utang na loob ko rin sa show.

“I would never leave the show on my own terms kasi siyempre, mahal ko ’yung show, mahal ko ’yung lahat ng tao roon. Ang laki ng utang na loob ko sa kanila,” paliwanag ng dalaga.

Pinag-usapan daw nila ito ng boyfriend niyang si Billy Crawford tungkol sa pag-alis niya at naintindihan naman.

“At first, sad siya kasi hindi na kami magkikita sa work araw-araw, pero after na nag-usap kami, alam din niya, he knows what’s in my heart and nakikita niya ako halos araw-araw, nakikita niya rin naman ’yung pagod ko, at ’yung hirap na dinaanan ko rati na hindi na talaga ako natutulog kasi kailangan ko pa ring mag-report sa ‘Showtime’ on days na wala akong taping noon. Nahirapan din ako during that time last year.

“So, in a way, he’s a bit relieved also for me kasi I can actually focus on, you know, this job that I really love already,”pahayag ng aktres.

Alam pa rin pa rin daw  ni Coleen ang mga nangyayari sa Showtime dahil, “I’m still a part of mga group chat nila, so, nakikita ko rin ’yung mga update nila sa show, I’m really happy for them. Saksi ako kung gaano nila pinaghirapan para mapaganda ulit ’yung show dahil nabawi na nga ng programa sa ratings game.”

Samantala, itinanggi naman ni Coleen ang nasulat naming pasaway siya sa Showtime kaya isa ito sa dahilan kaya siya tinanggal.

“Ay hindi.  Alam mo sa ‘Showtime’, sa sobrang tagal na naming magkakasama, we’ve had falling outs with pretty much everyone. May mga host na nagkakatampuhan sa isa’t isa, may mga iba na nagkakatampuhan sa mga boss. Pero it has never been a reason to take anybody out of the show, so, hindi, hindi talaga ‘yun.

“At saka ‘yung naririnig ko nga na may attitude problem, wala naman silang masabi na specific na ginawa ko, so, ‘di ba? And at the same time, it really doesn’t bother me,” paliwanag ni Coleen.

Away kay Anne, ‘di rin totoo

Hindi rin daw true ‘yung sa kanila ni Anne Curtis.

“Anne was actually one of the first few people who texted me noong nalaman niya. Kasi, siyempre, hindi na ako bumalik sa work, eh. Even before the holidays, hindi na ako pumapasok. She was one of the first to ask me kung totoo, and everything.

“So, nakakausap ko naman siya and there’s really nothing going on between me and any of the hosts na away or falling out or tampuhan,” diin ng dalaga.

Sa kabilang banda, sa nalalapit na pagtatapos ng Pasion de Amor ay inamin ni Coleen na nalulungkot na silang buong cast kasi pamilya na ang turingan nilang lahat kasama sina Jake Cuneca, Joseph Marco, Ejay Falcon, Ellen Adarna, at Arci Munoz mula sa direksiyon nina Eric Quizon, Carlo Artillaga, at Don Cuaresma mula sa unit ni Direk Ruel S. Bayani.

At pagkatapos ng Pasion de Amor ay abala naman si Coleen sa pelikula nila nina Dawn Zulueta at Piolo Pascual mula sa direksiyon ni Gino Santos for Star Cinema.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …