Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

ASAP, nabawi na ang korona vs Sunday Pinasaya; Martin, may tampo?

012716 martin nieverra

00 fact sheet reggeeFINALLY, nabawi na ng ASAP20 ang korona dahil panalo na sila sa ratings game noong Linggo na 14.6% kompara sa Sunday Pinasaya na nagtala ng 13.7%.

Ano nga ba ang dahilan kaya panalo ang programang 20 taon ng umeere saKapamilya Network?

Base sa nasilip namin noong Linggo, nagbago sila ng main hosts. Ito ay sina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Sarah Geronimo, at Luis Manzano. Hindi kami sigurado kung unang beses itong nangyari o ginawa na ito noon pa.

Pero base sa pagkakatanda namin ay first time itong nangyari na hindi sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at Martin Nievera ang main hosts ng ASAP.

Deadma sana kami sa bagong line-up ng hosts sa ASAP pero biglang may nag-share sa amin na fans ni Martin ng tweet niya na tungkol sa loyalty.

Ayon sa tweet ni Martin, “loyalty means nothing maybe it’s time.”

At may mga nagkomento kung nasa ASAP pa rin si Martin at sumagot naman ng,”just in case, anyone is wondering, I too will be on asap. Sad no.”

Ano kayang ibig sabihin ni Martin sa mga tweet niya?

Nagtanong-tanong kami sa taga-ASAP pero hindi kami sinasagot at timing naman na nakatsikahan namin ang isa sa TV executive ng ABS-CBN at tinanong nga namin ang tungkol dito.

“Wala naman pong isyu, baka lang nagtaka lang si Martin na hindi sila ni Gary ang inilagay as main host last Sunday.

“Sinubukan lang sa opening kung okay pagsamahain sina PJ, Toni, Luis, at Sarah, eh, nag-click naman base sa ratings, so mukhang gusto ng viewers.

“At sa pagkaaalam ko rin, wala namang isyu kina Martin at Gary. Alam ko tanggap naman nila ang pagbabago ng line-up ng hosts. Lets give chance to others kasi for how many years na rin namang naging main hosts sina Martin at Gary, ‘di ba?” paliwanag mabuti sa amin.

Wala naman ding narinig mula kay Zsa Zsa na isa rin sa main host, ”naku, Zsa Zsa is so cool naman, walang isyu rin. Actually, walang isyu at all,” giit sa amin ng TV executive.

Hmm, eh, ano kaya ‘yung tweet ni Martin kung walang isyu?

Anyway, hindi man kasinggaling nina Gary V at Martin bilang hosts sina Piolo at Sarah, eh, marami naman silang fans na talagang suportado sila.

Hindi naman kami makapapayag na hindi magaling na hosts sina Toni at Luis dahil kahit walang cue cards ay kayang-kaya ng dalawa as in mas matindi pa nga dahil kung ano-anong sinasabi nilang patok sa audience.

Hmm, parang aabangan ulit namin ang ASAP20 sa Linggo kung ano uli ang pagbabago.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …