Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Viva, tiwalang sisikat din ang Yandre tulad ng JaDine

111815 yassi pressman andre paras

00 fact sheet reggeeSINUGALAN ng Viva Films at SMDC sina Andre Paras at Yassi Pressman sa pelikulang Girlfriend for Hire dahil naniniwala silang makakamtan din ng dalawa ang tinatamasang kasikatan ngayon nina James Reid at Nadine Ilustre.

Oo nga naman, parang kailan lang ay parehong wala pang name ang JaDine at ilang taon din silang nagtiyaga’t naghintay bago sila hinihiyawan nang husto ngayon lalo na sa ibang bansa.

Sina Andre at Yassi ay dating support lang ng JaDine at lumabas na rin sila sa mga pelikulang Talk Back and You’re Dead, Felix Manalo (Yassi), Wang Fam (kasama si Andre) at iba pang hindi Viva ang producer.

Nakitaan ng chemistry sina Andre at Yassi kaya sa kanila ibinigay ang Girlfriend for Hire na Wattpad novel na may 68 million reads na and still counting.

Kaya ang iisang tanong sa magka-loveteam sa ginanap na presscon ng Girlfriend for Hire noong Biyernes sa Music Hall ay kung pressured sila sa launching movie nila?

Unang nagsalita si Yassi, ”sa totoo lang po, sobrang nakaka-pressure lalo na po rito sa industriya sa pagiging artista sobrang pressure, lalo na po kapag ganitong nabigyan ng pagkakataon na pagkakatiwalaan ng management, pagkakatiwalaan ng lahat ng taong may experience in the industry, talagang ang laking honor.

“Pangalawa, alam po namin na maraming expectations ang supporters at readers ng libro. Inaasahan po namin ang suporta nila, happy po kami.”

Katwiran naman ni Andre, ”of course may pressure, at the same time, minsan hindi pa rin nagsi-sink in sa akin kasi tingin ko sa ginagawa ko, iniisip ko ang saya, so what I’m doing now, fun lang talaga. And so we worked hard for this.

“It’s not easy to make a film like this proud ako because I’m not that pressure kasi I’m confident.”

Isa pang tanong kina Yassi at Andre ay kung hindi ba apektado ang dalaga sa sitwasyon ng leading man niya dahil hanggang pelikula lang sila magka-loveteam dahil kapag TV shows ay iba na.

“Hindi naman po. Walang conflict kasi ‘yung sa amin ni Andre ay sobrang suporta ng fans namin at parati ko pong sinasabi, kahit po simula sa ‘Diary (ng Panget)’ at ‘Wang Fam’ hanggang dito (‘Girlfriend for Hire’) po, nandiriyan lang po sila (fans) lagi.

“Tapos po, ‘yung pagiging bless na lang ni Andre, mas nakikita ko ‘yung love team nila and it’s a blessing for him kaya sabi ko nga po, guwapo kasi ng ka-loveteam ko kaya i-demand siya. Hindi ko po nakikita na conflict po,” paliwanag ni Yassi.

Wala bang nabuong magandang relasyon sa madalas na pagsasama nina Yassi at Andre?

“Of course, we both know na mag-entertain ng tao, magpakilig, but we’re focusing on our work. Wala pa namang developan (nangyayari), but who knows in the future,” paliwanag ng panganay ni Benjie Paras.

Sabi naman ni Yassi, ”gusto niya pinapansin ko siya, kaya sabi ko, ‘okay na’ at saka niya isusuot ulit ang shirt niya. Totoo po, very guwapo, matangkad pa. Pero work lang po talaga, but we find time to be together.”

Anyway, palabas na ang Girlfriend for Hire sa Pebrero 10 nationwide kasama sina Shy Carlos, Donnalyn Bartolome, Josh Padilla, at Clint Bondad na unang directorial job niVanessa U. De Leon.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …