Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PGT Season 5, pinakain ng alikabok ang Celebrity Bluff

011316 pgt angel vice binoe

00 fact sheet reggeeSUMIPA kaagad sa ratings game ang Pilipinas Got Talent Season 5 na umere na noong Sabado dahil nakakuha kaagad ito ng 25.5% kompara sa Celebrity Bluff na 12.1% sa national ratings game at 24.5% noong Linggo kompara sa Wanted President na 12.9%. ngGMA 7.

Hindi na namin babanggitin ang ratings ng ibang programang katapat sa ibang network dahil hindi naman sila ang direktang kakompetensiya ng ABS-CBN.

Anyway, ang PGT5 ang usap-usapan nitong weekend dahil ang gagaling daw ng contestants at nakatatawa at higit sa lahat, inabangan talaga nila ang mga huradong sina Vice Ganda, Robin Padilla, Angel Locsin, at Mr. Freddie M. Garcia.

Kung tinututukan daw ang coaches ng The Voice na sinaLea Salonga,  Bamboo, Apl de Ap, at Sarah Geronimodahil sa banter nila at ikalawa ang contestants ay iba naman ng Pilipinas Got Talent 5 dahil lahat aabangan mo.

Sa ikawalang episode palang ng PGT5 ay pinindot na kaagad ni Robin ang golden buzzer para sa Power Duona taga-Angono, Rizal na nagpakitang gilas sa kanilang interpretative dance sa awiting On The Wings of Love.

OTWOLISTAs  din kaya ang Power Duo dahil ang soundtrack ng kilig serye nina James Reid at Nadine Lustre ang ginamit nila para sa kanilang sayaw? Obserbasyon nga ni Vice, ”’yung ginawa ninyo, maganda ang epekto sa amin kasi nararamdaman namin ‘yung istorya. May sincerity sa haplos, may sincerity sa tinginan. Totoo ‘yung istorya, tumatagos sa amin mula riyan sa entablado papunta rito ‘yung istorya, damang-dama namin.”

Pati si Angel ay nahalata ring sweet ang Power Duo,”akala ko ba magkaibigan lang kayo, bakit magkahawak-kamay lagikayo?”

At diniretso na ni Robin ang dalawa, ”hindi ninyo ako mabobola, sa tanda kong ito? Hindi ninyo magagawa ‘yan kung hindi ninyo mahal ang isa’t isa.”

At saka tinanong ni Vice kung may girlfriend ang guy at saka inaming nililigawan nga niya ang girl na kapartner niya at dito na nagsigawan ang lahat ng taong nasa KIA Theater dahil kinilig.

Ang saya-saya ng lahat ng audience sa KIA Theater at iisa ang isinisigaw nila, “golden buzzer” kaya pinindot ni Robin at sabay akyat sa stage para batiin ang Power Duo.

In fairness, deserving naman. Ibig sabihin ay sa semi-finals na uli mapapanood ang Power Duo ng Angono Rizal kaya may panahon pa sila para magpakita ng kakaibang sayaw sa muli nilang pagharap kina Vice, Robin, Angel, at FMG.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …