Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si Grace ang alternatibo ni PNoy

EDITORIAL logoWalang tanging alternatibo si Pangulong Noynoy Aquino kundi ang palihim niyang suportahan si Sen. Grace Poe sa eleksiyong darating para tuluyan siyang masalba sa mga kasong kakaharapin at hindi makulong sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC.

Kailangang gawin ito ni PNoy dahil ang opisyal niyang kandidato na si Mar Roxas ay malamang na tuluyang matalo. Tanging si Poe lamang ang maaaring tumalo kay Vice President Jojo Binay kaya obligado siyang suportahan ang Senadora.

Natatakot si PNoy na kung manalo si Binay, patong-patong na kaso ang isasampa sa kanya maging kina Budget Sec. Butch Abad, Transportation Sec. Jun Abaya at Executive Sec. Paquito Ochoa. At tanging si Poe lamang ang makasasalba kay PNoy.

Maraming senyales na palihim na sinusuportahan ni PNoy si Poe, tulad na lang nang ginawang pagsuporta ni Solicitor General Florin Hilbay nang ipahayag na ang senadora ay isang natural born Filipino.  At kamakailan naman, mismong si Associate Justice Marvic Leonen ang nagpakita ng pagsuporta kay Poe tungkol sa kanyang citizenship. 

Kung matatandaan, mismong si PNoy ang nagsabing hayaan ang bayan na humusga sa kasong kinakaharap ni Poe.

Dapat malaman na hindi maaaring hayagang i-junk ni PNoy si Roxas dahil tiyak na magkakagulo sa loob ng Liberal Party na ikasisira ng kanyang palihim na pagsuporta kay Poe.  Ang magiging desisyon ng Supreme Court na papabor kay Poe sa kasong kinakaharap nito ang kokompirma na suportado ni PNoy ang senadora.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …