Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 sugatan sa saksak ng mag-ama, 2 kaanak

DALAWA katao ang sugatan nang pagtulungang saksakin ng mag-ama at dalawa pang kaanak sa lungsod ng Pasay kamakalawa.

Nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital ang mga biktimang sina Concesa Gamboa, 58, at Jan Gilbert Eusebio 29, ng 1722-F. Muñoz St.,Tramo, Brgy. 43, Zone 6 ng nabanggit na lungsod.

Tumakas ang mga suspek na sina alyas Rico, Banjo, Carlo at John, naninirahan din sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Giovanni Arcinue, nangyari ang insidente dakong 6:30 p.m. sa panulukan ng Tramo at Eusebio Streets, Brgy. 42, Zone 6.

Ayon sa ulat, nagtungo sa isang tindahan si Gamboa para bumili ng sigarilyo ngunit biglang lumapit ang mag-amang suspek at siya ay pinagtulungang saksakin.

Habang ang dalawa pang kamag-anak na tumatayong back-up ay pinagsasaksak din si Eusebio.

Napag-alaman, si Gamboa ang hinihinalang nagturo sa mga pulis kaya naaresto ang kamag-anak ng mga suspek na si Marielo na sinasabing tulak ng droga.      

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang tunay na pangalan ng mga suspek at kung totoong may kaugnayan sa droga ang inarestong si Marielo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …