Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iñigo, may talent din sa pagsayaw

021315 Iñigo Pascual

00 fact sheet reggeeANG saya-saya ni Inigo Pascual dahil first time niyang mag-front act sa katatapos na concert ni Nate Ruess Live In Manila sa KIA Theater noong Enero 19, Martes at talagang sing and dance ang bagitong aktor kasama ang G Force Dancers.

Base sa napanood naming kuha ay ang galing palang sumayaw ni Inigo at maganda ang boses, sorry to say Piolo Pascual, mas magaling ang anak mo sa ‘yo in terms of dancing at timbre ng boses.

Pagkatapos ng production number ni Inigo sa Nate Ruess concert ay balik siya sa taping ng And I Love You So kasama si Julia Barretto.

Base sa umeereng kuwento ng And I Love You So ay punompuno ng kalungkutan at pagluluksa ang pamilya Valdez sa pagpanaw ni Alfonso (Tonton Gutierrez) sa haponserye.

Matapos nga ang pagkabaril sa kanya ni Dexter (Jay Manalo) ay isinugod si Alfonso sa ospital upang subukang isalba ang kanyang buhay. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na rin nito nakayanan ang pinsalang kanyang natamo.

Dahil dito, matinding pagluluksa ang hinarap ng kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ng asawa nitong si Michelle (Dimples Romana) at mga anak na sina Trixie (Julia) at Joanna (Miles Ocampo).

Ngayon ngang pumanaw na si Alfonso, gagamitin ni Katrina (Angel Aquino) ang pagkakataon para bawiin ang yaman ng kanyang dating asawa at panatilihing sikreto ang katotohanan tungkol sa katauhan ni Trixie.

Ang pagkamatay ba ni Alfonso ang magiging hudyat sa tuluyang pagkakawatak ng pamilyang kanyang binuo? Ano pa kaya ang gagawin ni Katrina upang paghigantihan si Michelle?

Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …