Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guesting ni Pia sa Kris TV, tuloy pa rin!

012416 kris Aquino Pia Wurtzbach

00 fact sheet reggeeNASULAT noong Huwebes na kinansela raw ni Kris Aquino ang guesting ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzback sa programang Kris TV at base sa pagkakasulat, hindi raw nagustuhan ng TV host/actress na idinenay ng beauty queen na nag-date sila ni Presidente Noynoy Aquino noon.

Hindi ito totoo dahil gustong-gusto ni Kris si Pia dahil inamin nga nitong lumabas sila ni PNoy.

Ayon kay Kris nang maka-text namin siya noong Huwebes bago siya lumipad patungong Bangkok kahapon para sa commercial shoot ng isang detergent soap, ”Why would I not want to interview her? Sa presscon, ‘di ba, I said nga I was so grateful to her (Pia) when everyone was attacking PNoy last year, she didn’t deny that they had dated.”

Kaya naniniwala kaming matutuloy ang guesting ni Pia sa Kris TV isa sa mga araw na ito.

Samantala, bilang SM ambassadress ay binisita ni Kris ang SMDC Light Residences noong Huwebes at dahil pinagkaguluhan siya ay naging listo ang marshalls pero kaagad silang inawat ng TV host/actress.

Post ni Kris, ”they waited patiently while I toured around SMDC Light Residences & Mall. Happy to have made some people happy today because I told the marshals magpapa-picture muna ako & to let everyone come nearer to me.”

Samantala, habang tinitipa namin ang balitang ito ay okay na si Bimbybunga ng pagkaka-untog nito sa eskuwelahan niya noong Miyerkoles ng umaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …