Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, ninerbiyos kay Solenn

012416 solenn derek

00 fact sheet reggeeSA ginanap na Love Is Blind presscon ng Regal Entertainment na idinirehe ni John Paul Laxamana ay binanggit ni Solenn Heussaff na may eksenang ‘doggie position’ sina Derek Ramsay at Kiray Celis kaya pabiro nitong sinabi kung papasa ito sa The Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Base sa kuwento ng Love Is Blind ay si Solenn ang girlfriend ni Derek na iniwan siya dahil sa ugali nito at gustong-gusto siya ni Kiray na ginayuma ang aktor.

Mukhang hawig sa totoong buhay ang buhay pag-ibig nina Derek at Solenn na ang ipinag-iba lang ay ang aktor ang nakipaghiwalay sa aktres.

Kaya tinanong si Derek kung matagal na silang magkaibigan ni Solenn noong inalok sa kanya ang Love Is Blind at kung paano bumalik ang pagkakaibigan nila dahil pagkatapos pala nilang maghiwalay ay hindi na sila uli nagkausap sa loob ng siyam na taon.

“Noong in-offer sa akin ito, I was very happy na siya ang makaka-trabaho ko kasi I break my own hear when I broke-up with her, but you know were good friends.

“We can find one another to talk about our problems, about happiness, about love life. So much better that way without having anything with someone who loves so much,” pahayag ng aktor.

Reaksiyon naman ni Solenn sa sinabi ng ex-boyfriend, ”ako naman same rin for the nine years ay civil naman kami.

“Ito ‘yung first time (sa pelikula) na we had a conversation, noong ialok sa akin itong movie (‘Love Is Blind’), hindi ko alam na si Derek ang leading man ko, nalaman ko lang after, I’m happy naman.”

At inamin ni Derek na noong nalaman niyang si Solenn ang kasama niya ay hindi niya alam kung may awkwardness pero nawala iyon nang magkuwentuhan na sila sa set para mawala ang tensiyon hanggang sa maging okay na sila.

Alam ba ng mga karelasyon nina Derek at Solenn na magkasama sila saLove Is Blind?

“For me, hindi niya (Nico Bolzico) alam ‘yung mga project na mayroon ako, but when I knew that Derek is my leading man in the movie, sinabi ko sa kanya (Nico), sabi niya, ‘that’s your decision, that’s your work, kung ready ka do it,’” pagtatapat ng aktres.

Say naman ni Derek, ”she knew naman Solenn and nothing to worry about, my partner naman knows how special she is to me and to my entire family so nothing to worry about.”

Pero inamin din ng aktor na noong unang magkita sila sa set ng Love Is Blind ay ninerbiyos siya kasi nga naman ang tagal nilang hindi nagkita kaya medyo naalangan siya.

“Ninerbyos ako kasi it’s been nine years, I’m not overacting pero there’s memories here na hindi pa rin mapipigilan,”kuwento pa ng aktor.

Say naman ni Solenn, ”hindi naging madali kahit acting lang, sabi ko nga, ‘hay ayokong ituloy.’ Pero sa katagalan ay naging smooth naman ang shooting.”

Napapangiti naman sina Kean Cipriano at direk John Paul habang nagkukuwento sina Derek at Solenn ng kanilang pinagdaanan sa shooting.

Sa Pebrero 10 na mapapanood ang Love Is Blind mula sa Regal Entertainment na noong ilabas sa social media ang trailer nito ay umabot na sa 1-M views sa loob lang ng isang linggo.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …