Ang magkapatid na Mai Mai at China Cojuangco ang mga naunang Pinay endorser noon hanggang sa kumuha na sila ng foreign celebrity endorsers.
At ngayon ay balik sa Pinay ang Kamiseta at pinasalamatan ni Kris ang mga kilalang foreign celebrities sa kanyang IG post.
“Thank you, what an honor after Alicia Silverstone, Natalie Portman, Petra Nemcova, Natalia Vodianova, Kate Hudson and Katie Holmes — KAMISETA is back with a Filipina endorser. #GRATEFUL #ProudPinoy.”
Sabi pa ni Kris sa post, ”ang haba ng ligawan, ang daming pinagdaanan, maraming permisong kinailangan hingin — pero sa huli NAGKATULUYAN. #MeantToBe.”
Samantala, alam ng lahat na Bench endorser si Kris kaya tinanong siya ng follower niya kung hindi na siya kasama pero hindi sinagot ng Queen of All Media.
At tinext namin si Kris tungkol dito, ”matagal na akong not with them just Bimb. It was SM (Shoemart) that I needed to get clearance from because I’m with them pa.”
Oo nga pala, SM ambassadress na si Kris kaya pala ipinakita ito sa pelikulang All You Need Is Pag-ibig.
FACT SHEET – Reggee Bonoan