Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diet, nagsuplado sa presscon ng Bakit Manipis ang Ulap?

012116 diether ocampo

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Diether Ocampo, halatang wala sa mood nang dumating siya sa presscon ng teleseryeng Bakit Manipis ang Ulap?lalo na noong kumustahin siya ay parang pilit pa ang pagkakasabing, ”I’m good.”

At nalaman ng entertainment press na kaya wala sa mood si Diether ay dahil,”kaka-break lang po niya (Diet),” pambubuking ni Claudine na ikinaloka ng aktor.

Talagang tinitigan nang husto ni Diether si Claudine pero hindi siya pinansin ng aktres at tuloy pa rin sa pagsasabing malungkot talaga ang aktor ngayon.

Si Michelle Cojuangco Barrerra ang binabanggit na girlfriend dati ni Diether na related din kina Kris Aquino.

Matatandaang na-link si Diet noon kay Kris dahil nagkasama sila sa pelikulangDalaw na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival noong 2010.

Going back to Diether, natanong tuloy si Claudine kung paano niya nalaman ang tungkol sa paghihiwalay nina Diet at Michelle.

“‘Di po ba, mag-best friends kami ni Diet? Naligaw lang siya ng landas kasi,” at napatigil ang aktres dahil talagang hindi na siya nilubayan ng aktor na kulang na lang ay agawin ang mikropono.

As expected, ayaw magkuwento ni Diether at kunwari ay pormal siya para hindi na siya kulitin ng entertainment press.

Na-miss namin tuloy ang dating Diether Ocampo kapag may presscon na makulit, palatawa, at mapagbiro at umaamin kapag may isyu.

Anyare Diet?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …