Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Vi, ibinuking na naging lasinggero si Luis noong tin-edyer

012116 Vilma Santos luis manzano

00 fact sheet reggeeAKALAIN mo Ateng Maricris, naging pasaway din pala si Luis Manzano noong teenager siya?

Inamin ito ng nanay niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto sa presscon ng Everything About Her na minsan ay dumanas sa problema ang panganay niyang si Lucky.

Sa kuwento kasi ng pelikula nina Ate Vi, Xian Lim, at Angel Locsin ay hindi kasundo ng una ang aktor bilang anak niya kaya naman natanong kung naranasan na ito ng Star for All Season sa dalawang anak niyang lalaki.

At inamin nga na parati raw lasing noon si Luis, edad 18 o 19 ito at kapag tinanong ni Ate Vi kung anong problema ng anak ay sinasabi raw nitong,”because I don’t know what I want in life!”

Sa tanong kung dumaan din si Luis sa drugs, ”hindi ko alam, eh. Pero dumaan siya sa pag-inom, nagkaroon ng masamang barkada. But I am very proud. Look at Lucky now, ‘di ba? And the good thing is, he was able to survive. Naka-guide lang kami sa kanya, but he was able to survive by himself with the guidance of the pa­rents. So, I’m very proud of my son.”

Anyway, mapapanood na ang Everything About Her sa Enero 27 mula sa Star Cinema na idinirehe naman ni Joyce Bernal.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …