Epal si Cayetano sa Mamasapano probe
Hataw News Team
January 20, 2016
Opinion
WALANG iba kundi si Sen. Alan Cayetano ang dapat na mag-inhibit sa nakatakdang reinvestigation ng Mamasapano massacre na isasagawa sa Enero 27 sa Senado.
Ang Mamasapano probe ay batay na rin sa kahilingan ni Minority Leader Juan Ponce Enrile, at dahil na rin sa bagong “impormasyon” ilalabas ng batikang senador.
Bagamat tuloy na ang nasabing Mamasapano reinvestigation, kaliwa’t kanang batikos naman ang inaabot ng mga kandidatong senador dahil sa akusasyong gagamitin lang daw nila ito para makakuha ng media milage. Dapat daw mag-inhibit ang mga senador.
May punto ang panawagan ‘di ba? Pero kung sino ang dapat na tumalima sa panawagang ito, walang iba kundi si Cayetano.
Alam ng publiko na si Cayetano ang mahilig umepal kapag may imbestigasyon sa Senado kaya nararapat lang na siya ang manguna na mag-inhibit sa gagawing Mamasapano probe.
Kaya nga, walang moral ascendency itong si Cayetano na manawagan kay Sen. Grace Poe na mag-inhibit. Dapat maglabas ng official statement si Cayetano at sabi-hing hindi siya lalahok sa gagawing deli-berasyon ng Senado.
Dito mapapatunayang hindi epal si Ca-yetano kung hindi siya lalahok sa reinvestigation ng Mamasapano massacre.
Pero mukhang malabong gawin ito ni Cayetano, lalo na ngayon nangungulelat na siya sa vice presidential race.