Friday , November 15 2024

Binatilyo sugatan sa saksak ng tanod

SUGATAN ang isang 18 anyos estudyante nang pagsaksaksakin ng barangay tanod na sinita ng biktima sa pag-ihi sa pader kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Inoobserbahan sa San Juan De Dios Hospital si John Paul Christian Eugenio, ng 2417 Cuenca St. ng siyudad, dahil sa tatlong tama ng saksak sa katawan.

Habang arestado ng pulisya ang suspek na si Jayson Balarosa, 24, barangay tanod ng Brgy. 27, Zone 4 ng lungsod, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan dahil sa pagkabagok ng ulo nang matumba sa kalsada.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Rodolfo Soquina at PO3 Reynaldo Wangi, dakong 11: 46 p.m. nang maganap ang insidente kanto ng Rufino Mateo St., Interior FB Harrison St., Brgy. 27, Zone 4 ng nabanggit na lugar.

Sinasabing umiihi ang suspek sa pader ng interior ng FB Harrison St. nang maispatan ng biktima na sakay ng kanyang motorsiklo kaya sinita ang barangay tanod.

Nairita ang suspek kaya kinompronta ang biktima na humantong sa kanilang pagtatalo.

Pagkaraan ay umuwi ang suspek sa kanilang bahay ngunit nang bumalik ay may dala nang patalim at tatlong beses na inundayan ng saksak ang biktima.

Nakatakdang kasuhan ang suspek ng frustrated murder.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *