Ayon kay Ate Vi, magkakaiba raw ang bawat tao at hindi lahat nakaka-intindi sa kultura ng showbiz.
“Mayroong nakaiintindi, mayroong hindi. May ibang tao na hindi nakakayanan ang ganoon. Sa amin, sanay na sa industriya (okay na). Maski ako nakaranas niyon. Wala naman kasing personalan ‘yun.
“Hindi mo rin masisisi na may mga hindi naiintindihan because they are not inside the industry. That we have to understand also,” esplika ng Star for All Seasons.
Ano ang mas mahirap, ang showbiz o politika.
“Showbiz at politika, malayo. Rito (showbiz) na ako lumaki. Maraming intriga at maraming away. Maliit ang mundo natin. Pero sa experiences ko na 50 years, manageable pa rin sa showbiz.
“Pero politika is different. Masyadong ma-personal doon. Puwede kayo magpatayan doon, sa totoo lang.
“Sa politics, hindi naman kataasan ang suweldo mo at ikaw ang hahabol sa tao kung anong kailangan nila. Damned if you do, damned if you don’t.
“At the end of the day, kapag ibinigay nila ang respeto, that you can lead a city, a province, a country, that is priceless. ‘Yun ang fulfillment na hindi nababayaran ng pera. ‘Yun ang fulfillment sa political arena.
“Sa showbiz, kailangan matapang ka, makapal ang mukha mo. Ito na ang pinaka-spoiled na business. Sobrang suwerte natin na nasa showbusiness. Nag-e-enjoy na tayo, sikat ka pa, mataas pa ang suweldo. The fame, the power,” paliwanag mabuti ng gobernadora.
Samantala, kinunan naman ng komento si Ate Vi tungkol kay Direk Joyce Bernal na unang beses niyang makatrabaho sa Everything About Her na mapapanood na sa Enero 27 kasama sina Angel Locsin at Xian Lim.
“Si Direk Joyce (Bernal) ang isa sa masasabing kakaunting direktor na magaling mag-motivate ng artista, siguro one perfect example na the first scene na with Gel (Angel Locsin) hindi kasi kami rito masyadong magkasundo.
“May technique kasi si direk, kapag dumarating kami sa set, ayaw niya ‘yung nag-uusap kami para hindi kami maging komportable sa isa’t isa, so, pagdating sa set doon (malayo) muna, bawal mag-usap sa set. Si Gel nga nag-sorry pa kasi sabi niya hindi muna kita mabati, sabi ko, ‘roon ka muna’. Ganoon mag-motivate si direk kaya when we see each other sa eksena, mukha siyang bago sa akin, same thing with Xian (Lim),” kuwento ng aktres.
Dagdag pa, “kaya sa aming mga artista malaking bagay iyon kasi ‘yung motivation sa amin para magawa namin ‘yung karakter namin ng mas tama roon sa roles namin. Kaya direk (Joyce), thank you.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan