Nakarma na si Mison
Jimmy Salgado
January 19, 2016
Opinion
TUWANG-TUWA ang rank-and-file employees ng Bureau of Immigration (BI) dahil sinibak na ni Pangulong Noynoy si Siegfred Mison dahil sa talamak na puslitan ng mga fugitive sa immigration jail.
Ibang klase kasi magpatakbo ng bureau si Mison at masyadong mapagkunwari pa, ayon sa mga empleyado.
Nagmamalinis kuno pero sobrang dumi pala ng pamamahala at palakad sa bureau. Sinasaktan ang mga kumakalaban at nagtatanim ng sama ng loob.
Isa sa naging biktima niya ay si dating Immigration Admin Chief Atty. Quirante na nagkasakit at namatay.
Magsilbing aral sana ito na pag binigyan ng kapangyarihan dapat alagaaan ito at gamitin sa tama.
“Pinakamasamang naging Immigration commissioner si Mison,” sabi ng mga taga-BI.
Dagdag ng empleyado na nagsumbong sa akin: “Sir jimmy, ito pang mga magagandang CA at IO ay pinapatos pa kahit may Valerie na raw na artista.”
May malawak na farm sa Tagaytay at sa Bataan.
Hindi naman nahinto ang salyahan at balyahan sa undocumented OFW nationwide. ‘Yun mga protection money sa Binondo, Baclaran, Tutuban, Cebu, Angeles at Davao ay tuloy pa rin.
Ang remnants at bata ni Mison na nagpayaman at ang lalaki ng bahay at luxury cars ay dapat imbestigahan ng NBI para sila ay maparusahan.
***
Sa Bureau of Customs naman ay pinalitan na ang retired generals cum collector. Mas dapat na ipalit diyan ay ‘yung mga orig na customs collector na magaling at expert sa revenue collection gaya nina Collector Des Mangaoang, Atty. Rhea Gregorio at Collector Mimel Talusan.
***
Panawagan sa publiko, kung sino man po ang nakakikilala sa isang Engineer Kuno na si Victoriano Ganancial, Jr., ay ipagbigay alam lang po sa NBI. Marami na umano kasing naloko ng taong ‘yan.
Ang modus niya, kunwari kokontratahin ka sa paggawa ng bahay, pagkatapos makuha ang pera na kalahating down payment sa pinagusapan ninyo, sasabihin niya tumakbo na ang partner niya.
Grabe ang modus ng taong ‘yan!
***
By the way, ipinagkakalat daw nina Titus at Alma sa Customs OCOM na binigyan tayo ng pamasko.
Nagulat tayo sa mga taong ‘yan. Ang kapal naman ng mukha nila na magsalita na nanghihingi pa tayo.
Kawawa naman si Comm. Bert Lina, ibinabaon ninyo sa kawalanghiyaan ninyo.