Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Joyce, nagso-sorry agad kapag nakapagmura

011916 Direk Joyce Bernal

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Direk Joyce  Bernal, natanong namin kung nakaranas na siyang ma-open letter.

“Hindi pa (open letter), naghihintay na lang,” sambit nito sa amin.

Paano nga ba magalit ang isang Joyce Bernal? “Ano, sabi ko, ‘sapukin kita, sapakin kita, eh’ mga ganoon.”

Walang mura like P. I., “minsan siguro mayroon, aaminin ko naman kung nagmura ako, kasi nasaktan ko siya kaya mag-a-apologize ako magso-sorry kapag nasaktan kita, mali ka man o tama, basta’t nasaktan kita magso-sorry ako.”

Ang pagkakaiba lang siguro sa dalawang direktor ay aagapan daw kaagad ni direk Joyce na humingi siya ng dispensa kapag alam niyang may nasaktan siyang tao.

At sa nangyari kay direk Cathy Molina na kumalat sa social media ang open letter, “Sabi ko, ‘Shit, nangyari na rin sa akin ‘yan, Nakapagmura ako at saka malamang, minsan, may talents ka na pulis. Minsan, akala mo talents sila, ‘yun pala totoong pulis. Never assume.

“At saka, kahit sinuman ‘yan, kahit sanay na siyang namumura, masakit pa rin kapag namura ka. Masakit pa rin ‘yun.

“Mas lalo na kapag hindi ka sanay, masakit pa rin ‘yun. Kasi, nangyari rin sa akin ‘yun noong baguhan ako.

“Nasabihan ka rin ng masasakit na salita at na-hurt din ako. Pero sinasabi ko agad. Madirekta kasi ako,” mahabang kuwento ng direktor.

At sa nangyari kina direk Cathy at Campomanes dapat daw ay magkita ang dalawa at mag-usap, “baka dapat magkita sila para tapos na.

“Pareho kaming direktor ni Direk Cathy, so I know what happened. At alam ko, nagkakamali ako.”

Nasubukan na ba ni direk Joyce na magpa-uwi ng talent kapag hindi makuha ang gusto niyang arte?

”Pinapapalitan ko,” mabilis na sagot sa amin.

Sabi pa, “kaya kong murahin ang mga artista, kaya kong murahin kahit sino, pero mahirap sa ano…mahirap sa mga talent kasi alam mo ‘yung kinikita nila.

“And most of the time, gusto nilang makasama ang mga artista, hindi lang nila alam ang pinapasok nila.”

At inamin din ng direktor na eye-opener ito sa lahat ng direktor.

“Yes, and actually, pelikula pa lang ni Ate Vi na ‘Ekstra’, nakita ko na ang sarili ko roon. Tapos ‘yung nangyari kay Direk Cathy.

“Hindi ko lang alam, ha, pero feeling ko, sa lahat ng director, eh. Sa lahat ‘yun. Imposibleng wala kang ano, eh.”

Tama rin daw na baguhin na ang kultura sa showbiz, ang pagmumura, “minsan kasi, iba kasi ang taping. Wala masyadong preparation sa talents.

“Ang dami mong kukunan, ‘di ba? Dapat, yung talent mo, ready. Kung pelikula ‘to, makakarir ko siya. Aabot kami sa point na hindi na siya mapapahiya, eh. Kaso taping. Ang dami niyong kinukunan.”

At kapag galit si direk Joyce ay hindi siya makapagdirehe.

“Kapag galit kasi ako, hindi ako makapagdirehe. Kapag nagalit ako, kailangan kong umalis. Magka-kape ako.

“At pagbalik ko, kailangang masaya na ako. Kapag nasaktan kita, kesehodang mali ka or mali ako or tama ako, nasaktan kita, magsu-sorry ako. Pero ie-explain ko ‘yun kung bakit,” kuwento pa ng direktora sa amin.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …