Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Sixth Sense: Kahulugan ng Karma

00 sixth sense

Maligayang Bati pong muli sainyong lahat! Welcome to 2016! Sobra ko kayong na-miss kaya po naririto na naman ako para mag kwento at sumagot sa inyong mga katanungan.

Alam po ba ninyo ang ibig sabihin ng “Karma?” Madalas natin itong gamitin pag may taong gumagawa sa atin ng masama. Sinasabi nating: Makarma ka sana! Actually… khit po hindi natin ito sabhin, talagang maka-karma o magbabayad ang taong gumagawa ng masama. Ganoon din ang taong gumagawa ng kabutihan. Lahat po ng ating desisyon sa buhay ay may kinalaman sa ating kinabukasan at maaaring pati sa kinabukasan ng ating mga anak. Ang ating Panginoong Diyos ay napakabait. Kailanman ay hindi niya ninais na tayo ay maghirap at masaktan. Tayo lang naman po ang palaging pumapalpak! Binigyan po niya tayo ng karapatang mamili. The gift of free will ‘ika nga. Pag ang pinili natin ay mali, hindi maaaring hindi natin pagbayaran ang “consequences.” Pag tama ang ating pinili, magaan sa dibdib at hindi magulo o masalimoot ang pagdadaanan gaano man kahirap. Hindi lang po tao ang may karma. Ganoon din ang bawat bansa. Kung gaano na kasama ang nakararami, ganoon din ang nailuluklok na pinuno. WE ALWAYS GET WHAT WE DESERVE. Kaya po ngayong darating na election, ipagdasal natin ang ating bansang Pilipinas upang ang sumunod na uupo ay matulungan tayong maiahon sa kahirapan sa halip na tarantaduhin tayo at pagnakawan.

Ang clinic ko po ay tumutulong sa abot ng aming makakaya. Tuwing Biyernes po ay libre kaming tumatanggap ng mga totoong mahihirap na may sakit. Tumawag lamang po sa 431.11.47 or 263.35.16 para po makapagpalista at hingiin ang address. Sa QC po kami. Wala pong politician na tumutulong sa amin. Hindi rin po kami mayaman. Gusto lang pong makatulong kahit na paano. ‘Yun naman pong may mga katanungan ay maaaring mag-email sa amin… elizabethof888@yahoo

Sa mga bago kong tagasubaybay: Ako po ay isang Doktor. MD po. AM ( alternative Medicine) licensed acupuncturer (DOH). Cli-nical Hypnotherapist, Graduate po ako sa Va. Virginia USA. May “gift of sight” po ako. Ipinanganak na nakakakita ng lahat ng uri ng elementals, multo at iba pa. Natutulungan po pati ang mga isinumpa at may karmic debts na kailangan maputol. Nakikita ko rin po na kadalasan, ang mga sakit na hindi nakikita ng mga hospital kaya maraming western medicine doctors ang nagpapadala sa amin ng pasyenteng galing sa kanilang hospitals.

Maraming salamat po! God Bless us all!

 

Nagmamahal,
Dr. Elizabeth Oropesa

                                             

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Elizabeth Oropesa

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …