Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kulelat na si Win Gatchalian sa SWS

EDITORIAL logoHALOS mangulelat na si Valenzuela Rep. Win Gatchalian na tumatakbo bilang senador batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong Enero 8 hanggang 10 sa kabuuang 1,200 kinapanayam na mga botante.

Wala na naman Win sa “Magic 12” at ang masakit pa nito, lalo pang bumaba ang kanyang ranking na dati ay nasa ika-15 puwesto at ngayon ay nasa 18th place na lamang.  Matigas ang ulo nitong si Win, at hanggang ngayon ay umaasa na papasok siya sa “Magic 12” at mananalo bilang senador.

Tiyak na sakit ng ulo ang inaabot niya ngayon lalo pa’t naungusan na siya ng dalawa pang dating kulelat na sina Joel Villanueva at Mark Lapid.   Si Lapid ay nasa ika-14 puwesto na mula sa dating 17th place, at si Villanueva naman ay nasa 15th place na ngayon mula sa dating ika-16 na puwesto.

Nakalulungkot talaga dahil sa kabila ng malaking gastos na ibinuhos ni Win sa kanyang political propaganda, wa epek naman, bagkus patuloy pang dumadausdos ang kanyang puwesto sa survey ng SWS.

Sa huling tala ng Nielsen Philippines, si Win ang isa sa pinakagastador sa senatoriables na nakapagtala ng halos P167 milyon para sa kanyang TV ads.  Sabi nga, mas makabuluhan kung ipinamahagi na lamang ni Win sa kanyang constituents sa Valenzuela City ang perang ginugol sa walang kawawaang ads.

Uulitin natin, walang kapana-panalo si Win sa senatorial race. Walang dapat na sisihin si Win kundi ang kanyang media handler na walang alam  sa media at organizing work. Sayang lang ang perang ibinaba-yad ni Win sa kumag.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …