Chiz at Bongbong halos tabla na
Joey Venancio
January 18, 2016
Opinion
HALOS tabla na sina Senador Chiz Escudero at Bongbong Marcos sa huling survey sa pagka-presidente.
Sabi ng mga political analyst, kung ngayon gagawin ang eleksiyon, it maybe Escudero or Marcos.
Pero since may apat na buwan pa bago ang halalan, siguradong marami pang mangyayari lalo’t lumalakas na rin sina Leni Robredo at Antonio Trillanes.
Oo, kapag nagtuloy-tuloy din ang pagtaas nina Robredo at Trillanes, siyempre mababawasan ang rating nina Escudero at Marcos.
Malalaman natin ito sa sunod na resulta ng survey, since magsisimula na ang kanilang kampanya sa Pebrero 6 (para sa presidente, bise at senador). Sa lokal naman ay magsisimula sa Marso 25.
Pero higit nating abangan bukas ang mangyayari sa oral argument sa Korte Suprema tungkol sa kaso ni Senadora Grace Poe. Dahil pagkatapos nito ay maglalabas na ng desisyon ang hukuman: Kung si Poe ay puwedeng tumakbo o hindi.
Gayondin ang kaso ni Mayor Rodrigo Duterte kung maaari ba siyang maging substitute ni Martin Dino na depektibo ang Certificate of Candidacy (CoC) or what?
Kaya’t huwag bibitiw… dahil ngayong linggo ay maraming mangyayari sa ating mga kandidato para sa Mayo 9.
Abangan!
Kotong checkpoint sa Ateneo sa C-5
– Good morning po. Report ko po itong mga checkpoint sa may Ateneo sa C-5. Gabi gabi nalang po sila nangungutong, naghahanap po sila lagi ng butas. Dapat po sila tanggalin sa serbisyo. – 09094615…
Hindi naman nasusunod ang ‘No Smoking’ sa jeepney
Good am, Sir Joey. Bakit halos lahat ng PUB at PUJ nay nakadikit na LTFRB stickers na ‘No Smoking’ pero wala po nasunod sa idinikit sa mga PUB/PUJ? Drayber at pasahero naninigarelyo ng walang pakialam. Dapat may multa ng P1K para mabawasan. Kawawa po yung may sakit o allergy sa mga usok at babaho pa. Pakikalampag ang LTFRB po. Salamat. – 09236506…
Oo nga… anyare sa batas tungkol sa anti-smoking sa public places? Mukhang limot na ito?
Anyare sa medical assistance ni VP Binay?
– Gandang umaga po ulit, Sir Joey. Sana tuparin po ni VP Binay ang pagtulong nya sa mga medical assistance po. Last Sept. 28, 2015 ako na-interview at nag-submit ng mga dokumento sa OVP PNB complex. Kaso nung Jan. 2016 nang nag-followup ako, on processing parin daw at 3K lang ibibigay… kaso wala pa raw pondo sila. Bakit ganun tinanggap nila? Kasi may pondo raw sa mga nag-file sa katapusan ng Sept. 30, 2015. Anyare kaya? Salamat po. – 09236506…
Tanggalin ang 4Ps, aryahan ang dagdag sa SSS pension
– Sir Joey, good pm. Suggest ko lang po kay Pangulong Noynoy… tanggalin nya nalang ang 4Ps at iyong ilang milyon na binibigay nya sa 4Ps ay idagdag nya nalang sa mga miyembro ng SSS na nagpakahirap sa pagtatrabaho nila para makakuha ng malaking benepisyo sa pagtanda nila. – Concerned citizen from Cavite
Si Binay, No. 1 uli sa survey? Bakit?
– Sir Joey, si VP Jojo Binay na pinagbintangan na may maraming katiwalian umano sa lahat na presidentiables ay siya pa ngayon ang No. 1 sa SWS survey. Totoo kaya ito? Anyare? – 09107793…
Hangga’t hindi napapatunayan na si Binay ay nagnakaw ng bilyones sa kaban ng bayan, hindi maniniwala ang tao na siya’y tiwali. Ang isa pang isyu rito ay ang nakabinbin na disqualification case vs Poe at Duterte.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015