Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, tinanggal na sa It’s Showtime

010715 coleen garcia

00 fact sheet reggeeKINOMPIRMA ng taga-ABS-CBN na tinanggal na si Coleen Garcia sa It’s Showtime pero habang tinitipa namin ang balitang ito ay hindi pa nilinaw sa amin kung bakit.

Base naman sa kuwentong sinabi sa amin ng aming source ay noon pang Disyembre, bago magbakasyon si Coleen kasama ang boyfriend nitong si Billy Crawford nagsimula ang gusot ng TV host/actress sa noontime show.

Sabi ng aming source ang mga dahilan kung bakit tinuluyang tanggalin si Coleen sa Showtime.

”Una, hindi siya pinayagang umalis para magbakasyon kasi matagal ‘yung hinihingi niya, eh, hindi naman puwedeng wala siya sa show kasi siyempre, December ‘yun, maraming mangyayari, but still, tumuloy siya.

“Pangalawa, instead na i-cut short niya ang trip niya, sumobra pa ng one week, so, siyempre nagalit na sa kanya.

“Pangatlo, parang may rift sila ni Anne (Curtis), I heard her (Coleen) saying na ‘ayaw ko na.’

“Pang-apat, may nagsabing pasaway daw siya, well maraming nagsabi actually.”

‘Yung sinasabing rift nila ni Anne ay noon pa namin alam at akala namin ay okay na.

Nagsimula raw kasi sa hindi pagbati ni Coleen sa kapwa niya hosts ng Showtimena tila may sariling mundo dahil nasa isang sulok lang daw siya ng dressing room at hindi nakiki-mingle.

Dumating pa raw sa puntong itinapat ni Anne ang mukha niya kay Coleen at sabay sabing, ‘hello, good morning!’ at saka lang daw bumati si Coleen at pagkatapos ay deadma na ulit.

Dagdag kuwento rin sa amin na kahit daw sa Pasion de Amor serye ay sakit ng ulo si Coleen.

Sabi sa amin ng source, ”sakit talaga siya (Coleen) ng ulo, mabuti na lang at patapos na, pero nitong huling mga araw ay bait-baitan daw si Coleen, eh, too late na.”

Sinayang ni Coleen ang pagkakataong ito dahil siya ang ibi-build-up ng Star Cinema na sexy star lalo’t maganda ang resulta ng pelikula nila ni Derek Ramsayna Ex With Benefits.

Anyway, waiting pa rin kami sa rason kung bakit tinanggal si Coleen sa Showtime.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …