Paliwanag ng aktres sa ginanap na Lakbay2Love presscon, “we just celebrated in Argentina because I haven’t seen Nico’s parents for two years. It’s a celebration lang.”
Ani Solenn, kahit daw mag-asawa na siya ay walang magbabago sa mga ginagampanan niyang papel sa pelikula.
“Walang nabago, maghuhubad pa rin ako, joke! Feeling-wise, same, same. Hahaha! I am still the same. Maghuhubad pa rin ako sa stage. Magpu-pose pa rin ako ng sexy. Solenn forever!” pahayag ng aktres.
Tungkol naman sa Lakbay2Love ay na-enjoy ni Solenn ang shooting ng pelikula nila ni Dennis Trillo dahil nga bukod sa nakapag-exercise na sila bilang mga biker/forester (papel ng aktor) ay may kinalaman pa sa kapaligiran ang tema ng kuwento.
“The story is very cute and may global warning, climate change. It’s a movie fitness, love and finding yourself,” kuwento ni Solenn.
Bukod dito ay na-educate raw si Solenn tungkol sa mga uri ng bisikleta. “Hindi ko alam na ganoon pala karaming bike types, during the filming of the movie, we shot sa isang vintage store, so lahat ng klaseng bikes nandoon, real ones like first world war, that was so fascinating to see all those bike types na may pro-women pala kasi naka-skirt sila rati, so it was very interesting for me to learn more of that.
“Now, I want to go to places to bike. When I go travel (abroad), I want to bike around, coz’ it’s the easiest to discover the city or place. And part of it, exercise na rin,” kuwento ng aktres.
Hindi malilumutan ng aktres ang eksenang umakyat sila sa Mt. Maranat (Rodriguez, Rizal), “yes, nag-hike kami for 13 hours to shoot one scene, walang trail halos, tapos may tubig pa, tapos we went to this devastated forest na wala ng puno, and some of the forester that lives there were helping to keep-off the weeds, very sad actually.”
Magkakaroon naman ng special screening ang Lakbay2Love sa Enero 29, 5:00 p.m. sa Quezon Hall Amphitheatre suportado ng La Mesa Ecopark, 7-Eleven, Timberland Heights, Firefly Brigade, at Cordillera Conservation Trust mula sa direksiyon ni Ms Ellen Ongkeko-Marfil ng Erasto Films.
FACT SHEET – Reggee Bonoan