Friday , November 15 2024

Utang ng PH aabot na sa P6.6 Trilyon (Dahil sa CCT)

011416 FRONTAABOT na sa P6.6 trilyon ang utang ng Filipinas dahil sa ipauutang na P18-B ng Asia Development Abank (ADB) para ipantustos ng gobyerno sa conditional cash transfer (CCT) program.

Ibig sabihin, kung ang populasyon ng bansa ay mahigit 100 milyon, ang bawat Filipino ay may utang nang mahigit P61,000. 

Sa talumpati ni Takehiko Nakao, pangulo ng ADB, sa Conference on Sustaining the Gains of the Conditional Cash Transfer in the Philippines na idinaos sa auditorium ng ADB sa Mandaluyong City na dinaluhan ni Pangulong AQuino, sinabi niya na isinasapinal na nila ang pagpapautang ng $400 milyon o P18 bilyon para sa CCT program.

Ayon kay Nakao, nasubaybayan nila ang implementasyon ng CCT at nakita nila ang mga resulta nito.

Ang naturang soft loan ay babayaran sa loob ng 25 taon at may limang taon pang grace period.

Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Soliman, una nang nagpautang ang ADB ng $400-M noong 2010 na matatapos na sa darating na Marso.

 Habang ang $450-M din aniya ang ipinautang sa bansa ng World Bank.

 Paglilinaw ni Soliman, nagamit ang mga naturang pondo sa loob ng limang taon at napakinabangan ng 909,000 households habang ang iba pa ay pinondohan ng pamahalaan.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *