Ang cute naman kasi ni Clark (pangalan ni James sa teleserye) habang naka-shades at naka-policeman uniform at gumigiling-giling kay Leah kaya kitang-kitang kilig na kilig din ang aktres.
Muling lumipad sina James at Nadine sa San Francisco, California, ang lugar na pinag-umpisahan ng kanilang pag-iibigan.
Pinuntahan nina Clark at Leah sa ikalawang pagkakataon ang Palace of Fine Arts, ang lugar na saksi sa kanilang love story. Dito inalok ni Lea si Clark ng kasal para makakuha ng green card.
Samantala, kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa OTWOL sa rebelasyon ni Leah na buhay pala ang kanilang Nanang (Isay Alvarez-Sena).
Nakatakda nang aminin nina Leah at Tiffany (Bianca Manalo) kay Tatang Sol (Joel Torre) ang totoong nangyari sa inang inakala nilang namayapa, na magdudulot ng pagkagalit ni Tatang. Magiging sanhi rin ang rebelasyon sa muling pagkikita ng magulang ni Leah pagkatapos ng mahabang panahon.
Ano ang magiging epekto ng pagkikita nina Tatang at Nanang sa kasalang Clark at Leah?
Sa kabilang banda, nagpakilig din sina James at Nadine sa libo-libong fans sa Sacramento Memorial Auditorium sa ginanap na On the Wings of Love Certified Fans Day. Malakas ang hiyawan ng solid fans nang makita ang paboritong love team na nagpamalas ng kanilang galing sa pagsayaw at pagkanta.
Lilipad din sina James at Nadine sa Middle East sa Marso para sa JaDine in Love: The World Tour ng TFC na handog nina James at Nadine ang isang unforgettable concert experience sa diehard fans nila sa Qatar at Dubai.
FACT SHEET – Reggee Bonoan