Illegal operation nina Vincent at Bong sa BOC
Ricky "Tisoy" Carvajal
January 14, 2016
Opinion
BUREAU of Customs AOCG DepComm. & IAS chief Atty. AGATON TEODORO UVERO ang tumutulong to increase the revenue collection of Customs. He is also the most trusted man by the commissioner to do the job.
Ngunit tila may ilang elemento ngayon diyan sa Bureau ang sumisira sa kanyang pangalan dahil sa mga kumakalat diumanong isyu.
Ito ay ang sinasabing “that someone is doing a dirty job of collecting TARA from the players.”
Ito ay nakarating na rin sa kanyang kaalaman and he already ordered to investigate kung sino ang sumisira sa kanyang opisina.
DepComm Uvero gave a very strict instruction on the NO TAKE POLICY na ipinag-uutos ng ating gobyerno under the PNoy administration.
Marami na kasing ‘wise guys’ na nagpapanggap na sila raw ay mga kolektong para sa AOCG at IAS, ‘yan ay ayon sa brokers.
Itinuturo nila sina alias VINCENT, BONG at ERIC ang mga tulisan na ginagamit ang AOCG at IAS sa pangongotong.
Walang pong alam si Atty. Uvero sa mga kawalanghiyaan ng mga taong ‘yan.
Kaya kung may alam kayo at kilala ninyo ang mga demonyong ito ‘e ipagbigay-alam lang ninyo agad kay Atty. Uvero.
Maraming salamat mga ‘tol.
***
Dahil sa dami nang mga anomalya, Red Tapes, at corruption sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC) kaya ang programa na computerization ay ginawang solution sa lahat ng problema sa smuggling na isa sa malaking problema ng ahensiya.
And the proposed Customs Modernization Tariff Act (CMTA) is to modernize the procedures that will ensure transparency in transaction within the Customs. Malaki ang maitutulong nito sa IMPORT and EXPORT INDUSTRY at sa revenue collection problem.
Ang tanong lang naman dito sa computerization program ay kung walang mga taga-Customs ang apektado sa kanilang mga trabaho na hanggang ngayon ay naghihintay ng resulta sa korte dahil sa cancellation of the contract.
Sa CMTA naman ang balita, tila apektado ang mga license brokers sa kanilang ipinaglalaban kaya pilit na minamadali sa congress to approve and to amend.