Sunday , December 22 2024

Ganti ni JPE

EDITORIAL logoNgayon pa lang, tiyak na masakit na ang ulo nina Pangulong Noynoy Aquino at Mar Roxas kung papaano nila sasalagin ang nakatakdang muling pagbubukas ng Mamasapano probe sa Enero 25.

Sa pagsisimula pa lang ng imbestigasyon, tiyak na lulutang ang mga pagkukulang ni PNoy sa Mamasapano massacre na nagresulta sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force.

Hindi rin makatatakas sa responsibi-lidad si Roxas sa nasabing hearing. Bilang dating pinuno ng DILG, malamang lumutang ang usapin sa ginawa niyang pagtatakip sa tunay na pangyayari sa nasabing masaker.

Malaking dagok ito kay PNoy at sa kandidatura ni Roxas kung magtutuloy-tuloy ang Mamasapano massacre probe sa Senado dahil maraming ‘baho’ ang ti-yak na sisingaw, at sa kinalaunan ang administrasyon ang masisisi at pananagutin.

Malinaw na karma ito kay PNoy.  Nga-yon pa lang siguradong nakangisi na si Sen. Juan Ponce Enrile na nakatakdang maglabas ng bagong impormasyon sa nasabing masaker. Isang malaking propaganda ito na pabor sa mga kalaban ng administrasyon. Hindi inakala nina PNoy at Roxas na muling mabubuksan ang kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 SAF members sa Mamasapano, isang taon na ang nakararaan.

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *