Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang Julia at Kenzo, ikinakasa sa And I Love You So

011016 kenzo gutierrez julia barretto

00 fact sheet reggeeISA pang loveteam ang gusto ring mapansin ay ang tambalang Julia Barretto at Kenzo Gutierrez na may fans na ring sumusuporta sa kanila sa serye nilang And I Love You So kasama sina Inigo Pascual at Miles Ocampo.

Mukhang magki-click naman ang dalawa lalo’t may nakaraan sila noong mga bagets pa base na rin sa kuwento ni Kenzo noong nasa loob pa siya ng PBB House bagay na ikinagulat ng lahat dahil malaking revelation ito.

Si Inigo ang alam naming makaka-loveteam dapat ni Julia, pero sa pagpasok ni Kenzo sa And I Love You So ay sila na ang magiging forever at ang anak ni Piolo Pascual ay si Miles na ang makakapareha.

Half sisters sina Miles (Joanna) at Julia (Trixie) sa kuwento ng And I Love You So at hindi sila magkasundo kaya sa bawat masamang nangyayari sa bawa’t isa ay isa sa kanila ang pinagbibintangan.

Tulad sa tumatakbong kuwento ngayon ng And I Love You So na si Trixie (Julia) ang pinagbibintangan ng tao na lumason sa half-sister niyang si Joanna (Miles).

Pagkatapos ng biglaang pagkahimatay ni Joanna sa kasal ng kanyang mga magulang na sina Michelle (Dimples Romana) at Alfonso (Tonton Gutierrez), kumalat ang balitang nilason ni Trixie si Joanna at naging usap-usapan sa kanilang unibersidad.

Ngunit sa kanyang hinala na si Katrina (Angel Aquino) ang may sala sa pagkakalason ni Joanna, nagsagawa ng imbestigasyon si Alfonso upang mahuli at pagbayarin ito sa ginawa.

Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …