Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, nina-nag ni Direk Paul ‘pag late nang nakauwi

010616 Toni Gonzaga Paul Soriano

00 fact sheet reggeeSA nakaraang Monday episode ng Kris TV ay inamin ng mag-asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga-Soriano na madalas silang mag-away sa maliliit na bagay.

Nabanggit din ni direk Paul na talagang nag-aalala siya kayToni kapag hindi pa ito nakauuwi ng bahay ng madaling araw.

Kuwento ni direk Paul, ”kasi there was a time, I would get home late na, mga 10:00 p.m., and she’s not home yet. She’s taping. Me, now being a husband, I don’t want her on the road at 2:00 a.m. I get a little bit weary, (ask her) ‘Where are you?’”

Ang pag-aalalang ito ng asawa ni Toni ay hindi okay sa kanya dahil sa tuwing tatanungin daw kung nasaan siya ay nagugulo na ang isip niya, hindi siya makapag-concentrate sa trabaho.

Katwiran ng singer/aktres, ”siyempre ‘di ba when you’re doing a soap, I want to get into the character kasi this is my first time in so many years that I’ll do a soap. If I get texts na where are you, nawawala ako kasi kailangan ko palang umuwi.

“Feeling ko nina-nag niya ako. Pero nabo-bother talaga ako. May mga ganoong moments.”

Kasalukuyang nagte-taping si Toni ng Written In Our Stars kasama sina Piolo Pascual, Jolina Magdangal, at Sam Milby.

Sa tanong kay direk Paul kung paano nila naayos ang problema, ”I think the great thing about it was after ‘PBB,’ we did like almost two weeks straight of just the two of us.”

Hirit naman ni Toni, ”I told him, ‘Paul, did you know how many years I tried and I struggled to get into the business and to get into where I am right now?

“Did you know how many heartaches, pains, dugo, pawis, rejections that I’ve been through just to experience all this?’ He tells me naman na he’s not asking me to stop. He’s just asking for one little thing. He just wants me to be his wife.

“Tapos nag-usap kami na this is my heart’s desire. I also want to be the best wife for you but I also have dreams. Magmi-meet lang talaga kayo halfway.”

Pero nangako naman si Toni na gagawin niya ang lahat para maging mabuti siyang asawa ni direk Paul.

Tanda namin noon Ateng Maricris nabanggit ni Toni na kung mag-aasawa na sila ni direk Paul ay priority niya ang mister niya, hmm, nabago na ba?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …